Chapter 8

12.6K 473 80
                                        

This story contains violence, aggression, abuse, prolonged torture, romanticized rape, profane languages, suicide, and murder.

~Blood~

I stayed there waiting patiently and watching the King while he feeds the big wolves. Nanatili ang aking mga mata sa ginagawa ng Hari. Hindi ko man nakikita ang kaniyang mukha, tila alam kong masaya siyang ginagawa iyon.

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag nanunuod ka habang ang Hari'y nagpapakain sa mga lobo. Masaya at magaan ang aking pakiramdam sa kabila ng presensya ng Hari.

Ganito ba ang pakiramdam habang nagpapakain ng lobo? Aren't the wolves dangerous? Why did he call it wolves when it looks like dogs though, they're bigger than dogs and they're living somewhere in this big vast of land and snow.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at nakamasid lamang sa Hari ngunit alam kong matagal iyon. Nagsimulang maglakad pabalik ang Hari sa daanang patungo sa palasyo. Nang malagpasan niya ako'y siya lamang ang pagsalita nito.

"Let's go."

Mabilis akong sumunod sa kaniyang likuran. Ang kanang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon habang ang kaliwa'y bitbit ang walang laman na balde.

Tatlong hakbang pa lamang ang aking nagagawa'y napatigil ako at napalingon noong marinig ang tila pagkahol ng mga lobo sa aming direksyon.

They're whimpering and howling while their tales are waging back and forth. The big wolves look sad at the King's departure. Napatingin ako sa Hari ngunit tuloy lamang ang kaniyang paglakad dahilan kung bakit nagpatuloy na rin ako't binilisan ko ang mga malilit na hakbang.

Nang nakahabol na sa Hari'y naglagay ako ng tamang distansya mula sa kaniyang likuran. Nanatiling iniisip ang mga lobo. Naaawa ako sa kanila. Bakit hindi na lamang niya isama ang mga iyon sa palasyo niya. Masyadong malaki naman iyon.

I looked at the King again but he never did a single glance to his wolves. Napanguso ako at wala sa sariling sinunod ang kaniyang mga yapak na naka-marka sa niyebe. Struggling to copy it since his steps are bigger than mine.

Masyado akong natuwa sa ginagawa kong iyon. Noon pa man ay gusto kong maglaro sa labas kapag may ganitong maraming niyebe sa paligid. Masayang gumuhit sa niyebe kapag ganito!

Pangarap ko ring gumawa ng malaking snow man!

Mas malaki at mas mataas kaysa roon sa ginawa ng kalaro ng aking kambal noon! Gusto kong gumawa ng snow man na kasingtangkad ng Hari!

Ayaw ni Mama ngunit ngayong wala si Mama'y mukhang hindi ko pa rin magagawa.

Maingat akong napatalon sa isang markang ginawa ng kaliwang paa ng Hari. Ang kanang paa ay buhat ko pa upang kumuha ng tamang pagkakataong mailagay sa mas malayong hakbang ng kanang paa ng Hari.

I've been in my momentum and focus when I feel an intense stares on my skin. It's burning on my skin as I tried to search it. Sakto lamang nang tumama ang aking mga mata sa malamig na titig ng Hari sa akin.

Natuod ako sa aking posisyon. Ilang beses ko nang sinasalubong and titig ng Hari. Nanlamig ang aking tiyan noong napatingin siya sa akin sa bandang ibaba ko. I saw how his brows knotted.

Nang mapagtanto'y mabilis akong tumuwid sa pagkakatayo.

Bigla akong pinawisan ng malamig at unti-unti na namang lumalakas ang pagtibok ng aking puso. Ngunit sa kabaliktaran ng aking iniisip na paparusahan ng Hari sa pagsalubong ng kaniyang tingin at pagsunod sa marka ng kaniyang mga paa sa niyebe'y nanatili siyang walang imik at agad din namang akong tinalikuran.

BCS 3: Innocent MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon