This story contains violence, aggression, abuse, prolonged torture, romanticized rape, profane languages, suicide, and murder.
~Kisses~
I wanted to cry so bad. Ang bigat ng aking dibdib habang nakayuko at nakasunod sa Hari.
I can feel all the gazes from the people of the palace. The gazes were burning my skin. Tahimik ang paligid habang paparating kami sa pinto ng palasyo.
But despite all the gazes, the rage radiating from the King's body can be felt by everyone.
Malalaki ang hakbang ng Hari at tila kay bibigat niyon habang ang walang saplot at malapad niyang likod ay ramdam ko ang pagpipigil.
Muscles were tensely flexed and rigid. Veins popping.
Hawak ang brasong may bendang gawa sa pinunit na damit ng Hari'y nagpatuloy ang aming paglalakad nang makapasok sa loob ng palasyo.
May nakikitang taong akmang babatiin ang Hari ngunit nauwi lamang iyon sa pagtikom ng bibig at pagyuko.
I bit my lower lip from the dark tension coming off from the King.
Marami pa ang sumalubong sa Hari na ganoon ang nangyari.
Nang makaakyat kami sa unang hagdan ay kaagad na sumalubong sa akin si Margaret.
She looked worried and before she can approach me the King's words rang through the palace's wall.
"Fix that woman."
Napatalon ako sa pagkagulat sa kaniyang boses na ikinatigil din ni Margaret sa pagpunta sa akin.
Nang mauna ang Hari nang walang lingon at lumiko sa kung saan ay siyang paglapit ni Margaret sa akin. Kaagad na nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha bago pa tuluyang makalapit sa akin si Margaret.
"Sshh, I know child. I know," she said softly as Margaret hugs me and rubbed my back.
Ni hindi ko na alam kung saan ako dumadaan sa malabong mga mata habang inaalalayan ako ni Margaret paakyat ng hagdan.
"I-I didn't k-know," I murmured. Ang mga hikbi'y namayani sa aking labi habang sinusubukang ipagtanggol ang sarili.
Kahit noong makapasok na sa sariling silid ay hindi ko pa rin kayang hindi umiyak. Gusto kong magpaliwanag sa Hari ngunit tila wala na akong pag-asa na papakinggan niya.
Hindi ko talaga intensyon na sakyan ang kaniyang kabayo. Kahit na gusto ko'y hinding hindi ko gagawin dahil hindi naman talaga ako marunong.
Nang magamot ni Margaret ng maayos ang aking sugat ay nagpatuloy sa pagtahan sa akin si Margaret hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iyak.
Nanatili sa isipan kung ano ang aking gagawin upang mawala na ang galit ng Hari sa akin. Ayaw kong nagagalit ang Hari sa akin kahit pa nawawala naman agad ang kaniyang galit. Bukod sa takot na baka saktan at parusahan niya ako'y mayroon sa aking loob na ayaw ko lamang na magalit siya sa akin.
Although being in the dark makes me comfortable and feel safe, it doesn't help me to stop thinking of the King's intimidating rage.
Nang magising ako'y gabi na at kaagad na natanaw ang tanging nakasinding lampshade sa loob ng aking silid. Hindi ko alam kung anong oras na iyon at wala rin akong ideya kung ilang oras akong natulog.
I can feel the puffiness and sting of my eyes as I got up and sit beside my bed. Kaagad na napansin ang pag-iba na nang suot kong damit at ang pagkakaroon ng isang tray na sa tingin ko'y may lamang pagkain sa maliit na mesang naroon.
Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan at dahan-dahang umalis doon sa aking kama.
Muling naalala ang kaninang nangyari. Nanghihinang tumungo ako sa banyo upang maghilamos. I still feel exhausted. Hindi na nag abala pang buksan ang ilaw sa aking silid maliban sa nakasinding lampshade.
BINABASA MO ANG
BCS 3: Innocent Mistake
General FictionZemira, a pure-innocent and aloof little girl who stays hidden to the outside world, only seeks love from her mother-who beat her just before she can learn to walk. A father she wishes can protect her at all costs and a twin who supposed to play wit...
