Chapter 16

11.9K 482 91
                                        

This story contains violence, aggression, abuse, prolonged torture, romanticized rape, profane languages, suicide, and murder.

~Fainted~

I shivered as goosebumps punch me everywhere. The very foreign feeling is too much for me as another nostalgia crawled towards my body.

Hindi ko nagawang makatulog dahil doon. Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari. When I woke up, I'm in my room and Margaret was already there.

Sinabi niya ang utos ng Hari na doon na lamang ako sa aking silid at huwag nang palabasin. Kahit noong maghapunan ay naroon lamang ako.

I'm not in myself when the next morning came. Ang ginawa ko buong gabi'y pinagmasdan ang direksyon kung nasaan ang pinto sa gitna ng kadiliman.

I'm afraid that the King will just appear at the door and he'll do something to me.

I still remembered how it feels.

It feels like someone electrocutes me with light and fire around me.

Hindi ko alam kung bakit ginawa ng Hari ang ginawa ng Prinsipe sa akin.

Alam kong hindi iyon halik ng pakikipagkaibigan. Ibang-iba iyon ngunit hindi ko alam ang puwedeng itawag doon.

Does it mean friendship too? Pero bakit ganoon? Bakit ganoon ang pakiramdam? Kakaiba at ngayon ko lamang naramdaman iyon.

Sobrang lakas ng epekto niyon na hindi ko kaya. Tila isinasalang ako sa apoy dahil sa init at tila kinukuryente habang ang puso ko'y sobrang bilis ng tibok.

Wala akong alam kung maganda ba ang dulot ng pakiramdam na iyon o hindi.

Ngunit sa tingin ko'y hindi. Galit ang Hari ng mga panahong iyon. Siguro'y pinaparusahan niya ako. Pero bakit ganoon? Hindi ko na maintindihan!

Nanatili ako sa aking higaan, hindi tulad ng mga ginawa kong paggising at pag-aayos ng sarili upang makapaglinis sa silid ng Hari.

Ayaw ko nang makita ang Hari. Kapag iniisip ko iyon ay naiisip ko rin ang pakiramdam nang ginawa niya sa akin.

Gusto ko mang tanungin si Margaret tungkol doon ngunit natatakot ako. Baka ayaw ng Hari na isumbong ko iyon sa iba at lalo lamang siyang magalit sa akin.

I stayed in bed longer, the coverlet covers me up to my nose while my gazes stick on the door.

Guarding.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas iyon. Nang makita kung sino'y mabilis akong napaalis sa kama at sinalubong si Margaret.

She looked startled when she saw me, still in my nightdress.

Napatigil ako sa kaniyang harap at pinaglaruan ang mga kamay. Mabilis niyang inilagay ang dalang tray na may lamang agahan sa naroong maliit na mesa at kaagad akong hinarap.

I bit my lower lip when I saw a glint of worry from her eyes as she looked at me up and down. Aware that I'm only in a nightgown that she gave me.

"What's wrong? Why are you still on your bedtime gown?"

Umiwas ako ng tingin at mabilis na napatingin sa saradong pinto.

"You feeling okay? Are you sick?"

Muli akong napatingin sa kaniya noong sinubukan niyang kapain ang aking pisngi at leeg na sinundan ko nang pag-iling.

Ayaw kong sabihin sa kaniya na baka pumasok ang Hari rito.

Ayaw ko.

Ayaw kong makita ang Hari ngayon. Kahit nga naiisip ko lamang siya'y tila nararamdaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam na iyon. Hindi ko gusto ang pakiramdam ng iyon.

BCS 3: Innocent MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon