Chapter 15

12.1K 473 85
                                        

This story contains violence, aggression, abuse, prolonged torture, romanticized rape, profane languages, suicide, and murder.

~Crushed~

Maaga pa nang magising ako. Ang gaan ng aking pakiramdam kaya mabilis ang bawat naging kilos sa pag-aayos sa aking sarili at paglagay ng cream sa aking napasong balat bago nagsimulang linisin ang silid ng Haring hindi pa rin nagagalaw.

Kahit pa ang nagpagising sa akin ay ang alala ko kay Mama'y nanatiling maganda pa rin ang umaga ko.

Sa tingin ko'y walang ano man ang makakapigil sa sayang aking nararamdaman ngayon.

Hindi na ako makapaghintay na makita sina Amory at Erphina, gayun din si Lax!

I opened the heavy and thick cushion curtains on the wide windows of the King's chamber after cleaning all the sides of his wide chamber.

Ang kulay asul na langit ay siyang kaagad na bumungad sa akin. Ang ibong nakadapo sa labas ng bintana ng Hari ay kaagad na lumipad nang tuluyang kong buksan ang bintana.

The morning wind blows softly on my cheeks. Ang huni ng mga ibon sa malapitan ay nakakadagdag ng gaan sa aking pakiramdam.

I am so excited to meet Amory and Erphina today. Ang kailangan ko lamang gawin ay hintayin si Margaret na puntahan ako.

Sana lang ay walang ipapagawa ang Hari ngayon sa akin at sana'y muli kong makita si Lax!

I can feel a small smile slowly forming on my lips when I think of going back to the garden.

Mukhang hindi naman na galit ang Hari dahil wala naman siyang sinasabi sa akin tungkol sa muli kong pagpunta sa hardin kahapon.

O baka hindi lamang niya alam. Hindi ko alam kung sinabi ni Lax sa Hari ang tungkol doon o hindi.

Napailing-iling ako sa aking sarili. Gusto kong magaan lang ngayong araw ang aking maramdaman.

Ang kailangan lamang ay maging mabait ako ngayon upang hindi magalit ang Hari sa akin.

Tinatanaw ko na sa aking isip ang aking gagawin kina Amory at Erphina.

Halik sa pisngi bilang isang kaibigan.

Magkakaroon na ako ng kaibigang babae!

Masama mang gustuhin kong sana'y walang ipapagawa ang Hari ngayon, ngunit gustong-gusto ko talaga. Gusto ko uling pumunta sa hardin at makita si Lax!

Gusto ko ang kaniyang tawa na sa kaniya ko lamang nakita sa isang lalaki. I don't know but I always feel curious about men. Maybe because I'd never been with a man before.

Hindi ko rin naman kasi nakikitang tumatawa si Papa.

A small smile can feel on my lips as I decided to turn away from the window and to continue my work.

But immediately froze when I met eye to eye with the King. I can feel his cold stare bore into my soul.

Natuod ako sa aking kinatatayuan. Pilit na pinapakalma ang sarili.
Sa tingin ko'y kahit kailan ay hindi ako masasanay sa presensya ng Hari.

I blinked nervously, my hand found my other hand and I started playing it with each other. Ni hindi ko na pansin ang hapdi ng napasong balat sa aking kamay dahil sa takot.

"G-good day, y-your Highness..."

Hindi ko inaasahang madadatnan ako ng Hari sa kaniyang silid ngayon. Masyado akong nagulat sa kaniyang presensya na hindi ko man lamang napaghandaan ang pagharap sa kaniya.

BCS 3: Innocent MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon