Chapter 6
~Nakakainis
*Alarm clock rings*
Shit. Napabalikwas nalang ako sa pag kakahiga ng tumunog ang alarm clock sa side table ko. Huteeek 6 na pero inaantok pa ako. 8 pa ang start ng klase namin kaya 6 ako nagising.
*Door knocks*
"Ey baby, get up may pasok ka na" Si mommy yan.
"Opo liligo lang po at mag aayos ng gamit" Sigaw ko pabalik.
Tumayo ako mula sa pag kakahiga ko at nag ayos ng gamit, ilang libro, papel, notebook at ballpen. Pagkaayos ko noon sa body bag ko ay nag madali na akong pumunta sa CR para maligo.
6:30 AM
Shiz. Buti di ako inabot ng matagal sa CR paliligo. Nag hair dry ako ng buhok at tinali ito ng isang ponytail. Nag lagay ako ng manipis na make up para di ako masyadong oily.
7:00 AM
"Ma'am ready na daw po ang pagkain sa baba" Anang isa sa mga katulong namin na kumatok sa kwarto ko.
"Sige susunod ako" Sagot ko.
Sinuot ko ang isang ripped jeans at simple shirt. Buti nalang freestyle na kami ngayon kasi kung uniform pa din? aynako gerl ayoko na.
Lumabas ako ng kwarto dala na ang mga gamit ko, Dumiretso ako sa dining kung saan andun ang lahat at ako nalang ang inintay.
"Good morning dad" Sabi ko sabay direcho kay daddy para mag beso.
"Good morning sweetie" Si daddy
"Good morning mommy" Si mommy naman ang bineso ko.
"Mga kuys" I said.
Naupo ako sa gitna ni mommy at kuya Travis. Katapat namin sina kuya Tristan at kuya Travior, Syempre si dad ang sa gitnang dulo.
Nakaalis na sina lola nung nakaraang araw pa, Kaya heto at back to normal nanaman ang lahat. Maging ang pwesto ng mga upuan namin. Nag simula na kami kumain at tahimik ang buong bahay.
"Anong oras ang out nyo sa school?" Masayang panimula ni mommy sa pagbasag nya ng katahimikan.
"Maybe 12 noon andito na po kami" Sagot ko bago ipag patuloy ang pag subo.
"Hindi ba half day lang kayo? San kayo pupunta in the afternoon" Tanong ni kuya Tristan.
Wala ng bago, simula pa pagkabata ay masyado ng maraming tanong si kuya Tristan tungkol sa mga bagay-bagay simple man o hindi.
"Siguro pupunta ako ng condo ko kasama sina Archie" Ani kuya Travior.
"Okay" Ani kuya Tristan at sakin naman nabaling ang tingin nya.
Sana all may condo unit jusq. Saaming apat ako nalang ang wala pang sariling condo unit, bakeeeet?
"How about you Trixie?" Pag papatuloy nya.
"I don't know. Siguro dito lang sa bahay" Sagot ko.
"Great! Sumama ka sakin sa office, magkita tayo sa paborito mong ice cream house ng 1:30 in the afternoon" Aniya.
Anong merooooon? Tinatamad akong lumabas ng bahay eh. Gusto ko lang matulog ng matulog.
"Okay" Boring na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
