Chapter 34
I'm Tired~
"Hey" Ani kuya Travis at hinarangan ang tanawing tinititigan ko.
"What is it this time?" Tanong ko.
"Sabi ni Travior hindi pa daw ulit nagagawi si Rusty sa bahay" Aniya.
Ang kaninang tingin ko na nasa dagat ngayon ay bumaling sa kanya.
"Huling usap namin ay noong isang araw pa. Tumawag ako sa trabaho nya pero sobrang busy nya" Wala sa mood ko na sabi.
"Seryoso ba talaga yan sayo?" Tanong nya.
Nagkibit balikat ako at sumandal sa kinauupuan ko. Kita ko ang pag igting ng panga ni kuya. Una palang ayaw na nya si Rusty para sakin.
"Bat mo pa kasi sinagot" Iritadong tanong ni kuya.
"Ayaw ko na sa unang pahina ng newspaper ay ang pag kaka-busted ko kay Rusty Sandoval ang bubungad" Paliwanag ko.
"So what? You're a Smaug Trixie" Umiling ako at saka sya nginitian.
"Where's my nephew?" Tanong ko para makaiwas sa mga tanong nya.
Lumingon sya sa paparating na si Max.
"Daddy!" sigaw nito.
"He really looks like you, kuya" I said.
"Like father, like son" Pag mamalaki nya.
Hinalikan ako ni Max sa pisnge bago sya tuluyang sumama sa daddy nya at nag kwentuhan sa harap ko.
"Trixie may nag hahanap sayo" Ani Chloe nang bigla syang sumulpot.
"Nasaan?" Tanong ko.
"Nag paiwan sa loob ng west restaurant eh" Aniya.
Tumango ako at nag pasyang iwan na muna sila doon na masayang nag kukulitan. What a happy family they have.
"Trixieee" Ani Gelli.
"Sinong kasama mo? Napadpad ka dito?" Tanong ko.
Ngumiti sya at nakipag beso sakin.
"Pinapunta ako dito ni Katy. Kaso duty pa sya"
Napatango naman ako at nakipag chikahan muna sa kanya saglit hanggang sa dumating sina Rian at Katy na kakatapos lang ng duty.
"Ano bang meron Katy at may pa-meeting ka bigla?" Tanong ni Rian.
"I have a special announcement girls" Masayang sabi ni Katy.
Naupo si Katy sa tabi ko at si Rian sa tabi ni Gelli.
"Bakit kasi hindi pa mamaya? Mag kakasama naman tayong pupunta sa Lifetime bar mamaya ah?" Ani Rian.
"Eh kasi baka mamaya nyo pa ako paulanan ng sandamakmak na tanong kaya ngayon nalang" Maarte nyang sagot.
Mukhang masayang balita ang dala ni Katy dahil sa mga ngiti nya. Minsan lang to ngumiti ng ganito eh.
"Oh sige ano na?" Pag pipilit ko.
"So ayun na nga. I have a boyfriend na" Kinikilig na sabi nito.
Literal na napa nganga si Rian at Gelli samantalang ako ay parang walang pakialam sa mga kaganapan. Eh ano ngayon kung may jowa na sya? Good for her. Basta wag lang syang sasaktan nung gagong lalaki na yon.
"And guess who he is" Kinikilig niyang pag papatuloy.
"Oh sino?" Ako na ang nag tanong.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
