Chapter 24

7 1 0
                                        

Chapter 24
Please~

"Guys, bukas nalang natin gawin ang group activity natin ha? Saan ba tayo pwedeng gumawa?" Seryosong tanong ni Katy.

Pinag-uusapan namin ang tungkol sa gagawin naming group report tungkol sa mga negosyo. Nakikinig ako kay Katy pero lumilipad ang utak ko sa hindi ko alam na dahilan.

Napatingin ako sa kabilang banda at nakita ko ang mata ni Lean na direktang nakatingin saakin. Damn! What did I do? Bakit ganito sya makatitig?

"Trixie's house?" Tanong ni Rian.

Nag-angat ako ng tingin para tignan sila.

"What if, sa unit ko nalang? Mas masosolo natin ang place" Simpleng sagot ko.

Ayos lang naman iyon saakin at maging kina mommy't daddy.

"Ano? Sa unit nalang ni Trixie? Final na yan" Ani Katy.

Pumayag ang lahat kaya ikinatuwa ko iyon. Napalingon ako kay Rusty na nakatingin din saakin at nakangiti.

"Great. Katabi lang ng unit ko" Agad na sabi ni Lean.

"Really, Baby?" Malanding tono ng tanong ni Eunice.

"Yeah" Tipid na sagot ni Lean.

Okay edi mag loving-loving kayo don!

"Eh kung sa unit nalang kaya ni Lean? Tanong ni Eunice.

Nilingon ko ang mga ka-grupo namin na nakatitig lang sa kanya at wala sa tamang ekspresyon ang mga mukha.

"I bet it's okay with you guys? Specially you, Trixie" Ani Eunice.

I just rolled my eyes at her at hinayaan syang mag-isip ng kung ano ano. Wala din naman akong magagawa kung yun din ang gugustuhin ng mga ka-grupo ko.

"Trixie?" Tanong ni Rusty.

Ngiti ang isinukli ko sa kanila.

"Yeah, sure" Sabi ko naman.

Nilibot ko ang paningin sa aking mga group mates na nag uusap kung ano ang mga bagay na gagawin namin. Napadpad ang mata ko sa mata ni Rusty, naka ngiti sya at maging ang mata nya ay ganoon din.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nothing. I'm just happy, nakasama na nga kita kahapon kahit saglit, nakasama kita ngayon tapos pati bukas makakasama din kita" Aniya.

Ngumiti ako at umiling.

"Kahapon?" Singit ni Rian.

"Yeah. Nagpunta ako sa bahay nila kahapon" Sagot ni Rusty.

Tumungo ako at napangiti. Anong meron at gustong gusto akong kasama ni Rusty? Masayang nag-uusap ang dalawa kaya nahiya ako ng bahagya.

"I'm also with her yesterday, almost ten hours pa nga eh" Bulong ni Lean.

Agad ko syang tinignan ng masama. Iritado ang mukha nya kaya alam mong naiinis sya. Ang bilis namang mag bago ng mood ng isang to?

"Quiet you" Mahina at naiinis na sabi ko.

*smirked*

Damn you Lean Emerson! Why are you still handsome even if you're mad?

Pinagtagpo Dahil TinadhanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon