Chapter 17
Qia~Agad akong bumangon sa pagkakahiga ng makita kong nine o'clock na. Damn! I have lots of thing to do now. Kailangan kong pumunta sa La Viste so that I can help kuya Travior.
Agad akong nag toothbrush at naghilamos. Hindi pa muna ako maliligo, mamaya na siguro pagka-kain ko. Hindi parin ako nag bibihis kaya nanatili ang pantulog na suot ko.
"Manang Helen asan po sina kuya?" Tanong ko sa mayordoma ng mansion namin.
"Ay nako Trixie, kanina pa umulis ang mga kuya mo. Binilin nila na kumain ka raw ng umagahan" Anito saakin.
Sweet si manang kahit na may katandaan na, bata pa lang daw si mommy ay sya na ang nag alaga dito. Alam na alam din ni manang ang tungkol sa mga manliligaw ni mommy noon at ang love story nila ni daddy.
"Ah ganon po ba? Sige po kakain na po ako" Sabi ko at marahang naglakad papunta sa dining.
"Sinabi ng kuya Travis mo na ito ang lutuin dahil ito ang gusto mo" Nakangising sabi ni manang.
Naglapag sya ng bacon, hotdog at fried rice sa harapan ko. Yeah, nabanggit ko kay kuya Travis ang pag ki-crave ko sa fried rice. Naupo ako sa puwesto ko at nagsimula ng kumain.
"Sandali, nabanggit ni Puring na kumain daw kayo ni Rusty sa labas noong isang linggo" Ani manang habang taas-baba ng taas-baba ang kanyang kilay.
Natawa ako.
"Si yaya Puring talaga" Nagpailing-iling ako.
"Oh bakit? Hindi ba at bata pa kayo ay may gusto ka na sa kanya?" Naka ngising sabi nya.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
"Wag mong ikakaila, saakin mo sinasabi ang tungkol sa mga crush mo noon" Aniya at tumawa.
Tumawa nalang din ako. Alam ni manang ang tungkol doon, dahil madalas wala sina mommy at daddy dito sa bahay noon dahil sa negosyo ay sya at iba pang mga katulong ang madalas kong makausap.
"Oh sya, kumain ka na muna jan bunso. At binilin din pala ng kuya Travior mo na sumunod ka raw sa La Viste" Pagpapaalam ni manang.
Tumango ako at hinayaan syang umalis. Great, I really love to go to La Viste siguro kung walang pasok nitong mga nakaraan ay doon lang ako namamalagi o di kaya naman ay andoon ako at tumutulong sa ibang mga empleyado.
Pinapupunta ako ni kuya Travior doon dahil alam niya na ako lang ang nakakaalam kung paano reresolbahan ang problema sa ibang restaurant doon. Kuya Travior doesn't know about restaurant, sa pag ma-manage ng hotel sya magaling.
Agad akong nagmadali sa pagkain, ayaw kong abutin doon ng gabi. Pagka-kain ko ay agad kong nilagay ang kinainan ko sa sink.
"Ang bilis mo ata matapos ngayon ma'am?" Anang isang katulong.
"Pasabi po kay manang Helen na liligo muna ako" Sabi ko uminom ng juice.
"Sige po ma'am" Aniya.
"Salamat po" Sagot ko.
Narinig ko kanina kina manang na mag gagamas lang daw sila ng hardin kaya alam kong wala sya sa loob ng kabahayan. Nag madali ako sa pag punta sa kwarto ko para makaligo. Pero nag ring ang phone ko hudyat na may tumatawag kaya di muna ako nakaligo.
"Hello?" Panimula ko.
[Girl! Mygosh] Panimula ni Rian sa kabilang linya, na halos ika-bingi ko dahil sa tili nya.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...