Chapter 9

6 1 0
                                    

Chapter 9
Malandi~

"Gutom na gutom? Buntis ka nga ata eh. Sinong ama ha! SINONG AMA?!" Sigaw ni Rian ng lunch break na at nasa restaurant kami.

Ampotek kelangang isigaw te? Nag tinginan saamin ang mga taong kumakain. Wengyang buhay naman to oh.

"Baklita manahimik ka jan! Di ko babayaran yang kinain mo tamo" Sabi ko.

"Ito naman di ka naman kasi buntis hehe, sino bang may sabi non sasapakin ko na talaga. Gutom ka lang naman diba?" Anito.

Tumawa nalang si Katy dahil sa sinabi ni Rian. Vaklang to may pagkatakas mental din namang talaga eh.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at hinayaan si Rian na panay ang dada sa tapat ko. Itutuloy namin ang klase hanggang alasingko ng hapon, bat kasi wala pang pasok bukas eh? Kaasar.

"Bilisan nyo na nga kumain, Extra rice ka pa kasi Katy eh. Ikaw naman mamaka salad na nga lang kinakain mo ang bagal mo pa" Ani Rian ng tinuro ako nito.

"Ah ganon? gusto mo talaga ikaw mag bayad ng kinain natin?"Tanong ko ulit.

Pinandilatan ko sya ng mata at kita sa gilid ng mata ko ang pag hagikhik ni Katy.

"Ito naman. Take your time. Si katy kasi masyadong nag mamadali eh. Sige na kain ka na" Sabi nito ulit.

"Aynako Rian wala ka talagang magawa sa buhay" Nagpailing-iling si Katy habang sinasabi ito.

"Manahimik ka!" Ani Rian.

Nagtalo pa silang dalawa at hinayaan ko nalang. Ang ingay ingay nilang dalawa nako. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa mahagip ng gilid ng mata ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na bagong dating lang.

Psh. Grupo nina Lean Valton at ito pa malala may katabi pa syang babae at hinihimas ng babae ang tiyan nya. Tsk. Talaga nga naman oh dati sina kuya ang ganan eh. Well ganan parin naman si kuya Travior sa iba pang babae eh.

"Katy bilisan mo na jan. Nawalan na ako ng gana" Sabi ko.

"Wow bessywap wow. Ngayon ka pa nawalan ng gana kung kelan huling dalawang subo nalang yang salad na kinakain mo" Umirap si Rian.

"Pake mo?"

Tinaas ko ang kamay ko para tawagin ang waiter at kunin ang bill namin. Nakita kong tiningnan ako ni Lean at nag smirk pa ito. Edi magalit sya pake ko? di sya kawalan sa buhay ko.

Nag bayad na ako at nag pasya ng umalis kasama ang dalawang maingay na sina Katy at Rian. Pinasakay ko na sila sa loob ng sasakyan ko, si Katy ang sa front seat at si Rian naman ang sa back seat.

"Direcho na ba tayo sa school?" Tanong ni Katy.

"Yeah" Tipid kong sagot.

Lumilipad lang ang utak ko habang nag mamaneho at panay ang dada ng katabi at nasa likod ko.

"Bat nga ba kasi ayaw mong kumain sa cafeteria ng school eh matino din naman ang mga pagkain dun" Si Katy naman ang nag tanong.

Bakit? mmhh. Kasi buong akala ko dun kakain sina Lean at ang mga barkada nya. Nabu-bwisit lang ako sa tuwing makikita ko syang naka titig saakin at kasabay non ang pag-smirk nya.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon