Chapter 21
He's not my boyfriend~"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" Tanong ni Lean.
"Wala" Mabilis kong sagot.
"Sus. Imposibleng wala, kanina ka pa tahimik simula paglabas natin sa market" Aniya at nilapag isa-isa ang mga balutan ng pinamili namin.
"Naisip ko lang kase, parang familiar kasi talaga saakin ang mukha ni Maxi. Parang nagkita na kami noon" Sagot ko.
Tama si Lean, kanina pa nga ako tahimik mula ng makalabas kami sa market. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ng batang si Maxi.
Who is he? Do I know him? Why he looks so familiar to me? Bakit pakiramdam ko ay matagal ko na syang nakasama noon.
"Stop thinking nonsense Trixie, baka naman nakita mo lang sya sa La Viste? sa Park? sa Museum?" Sabi ni Lean.
"Maybe. Ugh! I don't know. Basta malakas ang pakiramdam ko na matagal ko na sya talagang kilala, na noon palang ay nagkita na kami" Naguguluhan kong sagot.
Ininda ko na lang ang kanina ko pa iniisip. Maaaring tama si Lean at nagkita lang kami noon sa La Viste o saan mang lugar.
Tinulungan ako ni Lean sa paglalagay ng mga pinamili ko sa tamang lagayan ng mga iyon. Nahihiya pa ako sa napkin na binili ko pero ayos lang daw iyon sa kanya.
"Nga pala. Thank you dahil sinamahan mo ako sa pagbili ng mga stocks ko dito" Sabi ko nang matapos naming itabi ang mga binili namin.
"Nah. It's fine" Nakangiti sya ngayon.
"Sige. Uhm- dito ka nalang mag lunch. Magluluto ako ng buffalo wings" Sabi ko.
Agad lumapad ang ngiti sa labi ni Lean at umupo sa high chair sa counter ng kitchen ko.
"Talaga? Wala ng bawian ha? Dito ako mag la-lunch" Aniya.
"Oo na nga. Ang kulit" Sabi ko at inirapan sya.
Tumawa lang sya at nagpatugtog ng kung ano sa phone nya. Inayos ko naman ang mga lulutuin ko, naghiwa ako ng mga ingredients na kakailanganin ko.
Magsasalang na sana ako ng kawali ng mapansin ko ang pagtitig saakin ni Lean habang nakangiti. Ampotek! Baka ako'y pinag ti-tripan nitong mokong na ito.
"Anong ngini-ngiti mo jan?" Mataray kong tanong.
Umiling sya pero di parin maalis ang malapad na ngiti sa kanya. Problema nito? Batuhin ko to ng pinggan eh matitigil to tamo!
"First time ko atang matitikman ang luto mo" Nakangiti parin sya.
"Then?" Clueless na tanong ko.
"Wala. Magluto ka nalang, sarapan mo ha" Kininditan nya ako.
Ampotek! Berde ba ako o talagang bastos lang si Lean? Teka bakit ba? Magluluto ako kaya dapat ko lang talaga na sarapan.
Inirapan ko sya. Nagsimula na ako sa pagluluto ng buffalo wings na paborito ko. Inayos ko ang pagluluto para di nakakahiya, pulaero pa naman ang isang to.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...