Chapter 22

4 1 0
                                        

Chapter 22
Calling~

It's sunday morning at wala ako sa mood na bumangon dahil ang aga pa. It's just seven in the morning. Bibisita lang ako saglit mamaya sa La Viste at pagkatapos ay uuwi din agad dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

Kinuha ko ang laptop ko at nag check ng mga messages, emails and even chats. Ganon parin tungkol parin sa school works at karamihan ay sa La Viste. Hindi pa nga iyon tuluyang saamin ni kuya Travior pero sobrang busy na kami para doon. Ano pa kaya kung tuluyan ng mapasaamin?

May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya lumipat ang paningin ko doon bago sumigaw.

"Pasok" Sabi ko.

Agad bumukas ang pinto at pumasok si kuya Travior. Ayan nanaman sya at mukang mambubulabog ulit ng araw ko.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong nya.

Naupo si kuya sa gilid ng kama ko habang tinitignan ako na naka upo parin at nakabalot ang paanan sa comforter. Ilang araw na din akong andito sa bahay dahil nakabalik na sina mommy at daddy.

"Mamayang after lunch, i'll go to La Viste" Sagot ko.

Tumango-tango si kuya.

"Why?" Pahabol ko.

"Nothing. Pupunta kasi dito ang mga teammates ko baka kasi-" Sabi ni kuya pero pinutol ko.

Tumawa ako ng malakas dahil alam na alam ko na ang gusto nyang iparating.

"Baka kasi pormahan nanaman ako ng ilan sa mga kaibigan mo? Gaya nalang ni Sean na teammate mo din noon at barkada ng mga Valton" Pinagtaasan nya ako ng kilay.

He hates Sean, i don't know why. Pero mag teammates sila sa basketball. Magkasundo naman sila pagdating sa paglalaro pero kung ako na ang usapan ay ayaw ni kuya.

"Yeah. You know I hate that. You're too young for those kind of shit, Trixie" Aniya.

"God! I'm twenty years old now kuya" Iiling-iling na sabi ko.

"Kahit na. You're still our baby"

Inirapan ko sya at tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko, nilapag ko ang laptop sa study table ko at hinugot ang kaninang naka charge kong cellphone.

"Whatever. I'll take a bath now kuya" Sabi ko.

Tumayo na din si kuya sa kama ko at nag babadya na syang umalis.

"Okay then, I'll leave your room now. Bumaba ka na at kumain sa baba" Aniya.

Tumango ako at nagmadali na pumasok sa CR. Naligo ako at nagbabad saglit sa bathtub. Nang matapos ako ay nag bihis ako ng pang bahay na damit at sinuklay ang buhok na kulot ang dulo.

"Hey Trix, sumabay ka na saamin" Sabi ni mommy na kumakain sa mesa.

Daddy's sitting on his usual chair, ganon din sina mommy at kuya Travior. I wonder where my kuya Tristan and kuya Travis are. Naupo na rin ako sa pwesto ko at nagsimula ng kumain.

"Sabi ni Travior pupunta ka raw ng La Viste mamayang hapon?" Tanong ni mommy.

"Yes po. I'll check some problems there po, baka po makakatulong ako lalo na po sa mga restaurant" Sabi ko.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon