Chapter 4

17 1 0
                                    

Chapter 4
muling pagkikita~

I woke up in bed at 10 o'clock in the morning. What the? inaantok pa ako. But I have to kasi ngayon ang usapan namin ng girls na mag mall.
Iniisip ko parin ang party nung isang-gabi, iniisip ko parin yung lalaking kasama nina Jio. Parang kilala ko sya pero hindi ko malaman kung sino.

Naligo na ako agad at nag hair dry ng buhok, sinuot ko ang isang short-shorts at white long sleeve. Hinayaan ko lang na naka lugay ang buhok ko at nag lagay ng manipis na make up.

"May pupuntahan ka?"

Nagulat ako sa nag salitang si kuya Travior.

"Yup" naka ngiting sagot ko.

"San ka pupunta? sinong kasama mo? bat ang iksi ng short mo? alam ba nina kuya? pano kung mabastos ka? sino po-protekta sayo?" Sunod sunod na tanong ni kuya.

URGH!

"Wait kuya kalma okay? isa-isa lang. Kasama ko sina Katy at Rian. Mag ma-mall lang kami"

"Alam ba nina kuya?" He asked at naupo sa kama ko.

"Nope. Tatawagan ko nalang sila mamaya"

Umirap ako sa reflectiom nya sa salamin. Naningkit ang mga mata nya at bahagyang tumawa.

"Sasama nalang ako. Magbibihis lang ako" Aniya at tumayo.

"Pero ku-"

bago ko palang sya lilingunin para pigilan pero huli na ang lahat, naka labas na sya ng kwarto ko.
Napaka OA naman kasi nila urgh! Girls bonding to pero kasama sya? Eepal nanaman yun at maghahanap ng malalandi. If I know trip na trip nya si Katy HAHAHAHA.

Di pa kasi aminin eh si Katy talaga ang gusto nyang makasama bat nga ba kasi trip na trip ni kuya ang isang yun? mula pag kabata lagi na nyang kinukulit.

~Flashback~

"Katy bakit ba lagi ka nalang nandito?" tanong ni kuya Travior.

Umirap si Katy saka hinarap si kuya.

"What's your pake?" Anito kasabay ng muling pag irap.

"Pasalamat ka kaibigan mo ang kapatid ko"

"Travior tama na yan nang aaway ka nanaman ng grade 4" natatawang sabi ni kuya Tristan.

Tahimik lang akong nanonood sa kanila habang iniintay si manang na magdala ng pagkain dito sa garden.

Why does he like to bully Katy?

Tumawa si kuya Travior bago nag salita. "Katy ang ganda mo pala no?"

"I know right" sabi ng kaibigan ko.

WOOOH HANGIN.

"Ganda mong pag tripan" Tumawa ng malakas si kuya Travior dahil sa sinabi nya bago tumakbo palayo.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon