Chapter 15

9 1 0
                                        

Chapter 15
Cheat~

[Are you sure, you're okay there baby?] Tanong ni mommy ng kinaumagahan ay tumawag.

"Opo mommy" paninigurado ko.

[How about your breakfast? Baka ma-late ka lang kung ikaw pa mag luluto] May pag-aalala sa tono ni mommy.

"I'm fine mommy. Madaling dumaan sa convenience store or kahit saang restaurant na bukas na" Sabi ko.

Monday ngayon at umaga ang schedule ng pasok ko sa school. Nanatili muna ako sa condo unit ko since wala naman akong makakasama sa bahay bukod sa mga katulong.

Mom and dad are in France para sa negosyo, kuya Tristan naman ay nasa business trip nanaman, si kuya Travis busy sa work at si kuya Travior naman ay nasa condo unit nya.

[You sure? Papuntahin ko jan si Puring if you want?] Tanong nya.

"No need mom. I can carry myself naman po" I said.

[Hays. Okay baby, just update me if you have time to. Okay?]

"Okay mom. I will, enjoy there huh? love youuu" Sabi ko.

[You take care huh? Call your brothers if something's wrong. Love you]

Binaba ko na ang tawag at nag ayos na para sa school. Napag pasyahan ko na sa restaurant nalang kumain, for sure naman may bukas ng restaurant ng ganitong oras.

Nagmadali ako sa pag ligo at pagbibihis dahil maghahanap pa ako ng kakainan at oorder pa ako kaya for sure matatagalan.

Agad akong bumaba ng condo unit ko at kinuha agad ang sasakyan ko, nilapag ko ang gamit ko sa front seat at nagsimula na sa paghahanap ng bukas na restaurant.

"This can't be" bulong ko sa sarili ko.

Nakita ko sina Eunice, Lean, Archie, Andrew, Zeus at iba pa naming mga schoolmates. Lima lang ang kilala ko sa kanila pero isang grupo sila ng mga lalaki at babae na kumakain dito sa restaurant na hinintuan ko.

Ito lang ang nakita kong bukas sa lahat ng restaurant na alam ko kaya i don't have choice kundi ang dito kumain. Pumasok ako sa loob ng restaurant ng hindi sila binabalingan ng kahit katiting na tingin. I don't care kung mag kakasama sila basta ako kakain ako mag isa.

"Hey Trixie, you're here" Bati ng naka ngiting si Zeus.

"You invited her?" Mataray na tanong ni Eunice.

Nilingon ko silang lahat sa isang mahabang lamesa. Anong paki nya kung ganon nga ang nangyari? Psh. What a bitch.

Nakita ko ang mga kamay ni Eunice na naka patong sa hita ni Lean at si Lean naman na naka tingin lang saakin. Ampotek! Anong pakealam ko sa relasyon nyo? Magsama kayo mga gago!

"Hey" Bati ko.

Umirap ako sa kawalan pagkabati ko at humanap ng mauupuan.

"Trixie! Why don't you join with us?" Tanong ni Zeus ng papalapit ako sa mesang may kalapitan sa kanila.

Nakaupo na ako sa mesang mejo malapit sa kanila dahil maraming tao ang kumakain, kaya naman not available ang ilang mesa.

"No thanks Zeus. At isa pa I think I'll enjoy my meal alone" Nginitian ko sila isa-isa.

With a slut in one table? Psh. No thank you.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon