Chapter 25
Feelings~
Sa condo unit muna ako tumuloy nung gabi ding iyon. Tuesday ngayon at wala kaming pasok dahil sa kung ano mang gagawin ng mga propesor. Ngayon din ang araw na gagawin namin ang group activity.
Kanina pa tumutunog ang phone ko dahil sa pag tunog ng alarm clock doon, it's still seven a.m. at napaka aga pa kung tutuusin. Wala pa ako sa mood para bumangon at maligo.
Tumunog ulit ang phone ko pero hindi dahil sa pag alarm, kundi dahil sa mayroong tumatawag.
*Unknown number is calling*
Hindi na ako nag dalawang isip kung sasagutin, baka mamaya ay emergency ito o di kaya ay importante.
"Hello? Good morning, Trixie Smaug here" Masayang panimula ko sa kabilang linya. "May I ask who's this please?" Tanong ko.
[The last time I called you, hinahanap mo si Rusty and now?] Natatawa nyang sabi.
Hindi na ako pwedeng magkamali sa pag kakataong ito. Alam kong si Lean ang tumawag ngayon at kanya ang boses na ito.
"I'm sorry. I don't know your number, that's why" Sabi ko nalang.
[Then save my number] May awtoridad sa tono nya.
Iimik pa sana ako pero huli na ang lahat, naibaba na nya ang phone nya at wala ng tawag.
Hindi ko alam kung anong pinakain saakin ni Lean para magmukha akong asong pag mamay-ari nya at sinusunod ang gusto nya. Agad kong ni-save ang numero ni Lean saaking contacts dahil yon ang sabi nya.
Pagkatapos noon ay pinili ko ng bumangon at pumunta sa CR ng kwarto ko para maka ligo. I have to go at Lean's unit before 7, dahil yung ang call time namin, kaya kailangan ko ng mag madali. Naligo ako at nagbihis, short and over sized shirt will be fine.
I'm about to touch my phone when someone press the doorbell button outside my unit. I immediately grab my phone and my wallet and ran towards the door. I'm expecting that Katy or Rian will pick me up here. Kaso hindi.
I'm just so surprised when I saw Lean in front of me, when I opened the door.
"Hey, w-what are you doing here?" I asked.
"I just want to inform you about what Katy said" Aniya.
"What about that?" Tanong ko ulit.
"She called me earlier, she said you're not answering her calls" Aniya.
Okay. It's so awkward if I don't invite him to enter my unit. In fact, ilang beses na din naman syang nakapasok na dito.
"Pasok ka muna" I opened the door widely just to make him enter my unit. "What about her?" Tanong ko ng makapasok na sya.
"She said, They're will be late. Sabay sabay na daw kasi sila nina Rian na pupunta" He said.
"Yun lang ba ang pinunta mo dito?" Tanong ko. "I'm about to go to your unit, when suddenly you came"
Ngumiti sya at umupo sa couch, is he crazy or what? Can't he see that we're running out of time? Sayang ang oras kung mananatili kami dito hanggang sa makarating ang mga kasamahan namin.
"Ang mas maigi pa ay pumunta na muna tayo sa unit mo, ayusin na natin ang pag gagawan natin ng report para pag dating nila ay magsisimula na tayo" Masungit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomantikTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
