Chapter 32
Mali~
Nang malaman ni kuya Travis ang tungkol sa kay Chloe at sa anak nila na si Max ay hindi nag paawat si kuya sa kahit ano. Maging saakin, kay kuya Tristan at kay kuya Travior.
Tanging si lola at Chloe lang ang nakakaalam ng nakaraan noon pa man, walang kaalam-alam maging sina mommy at daddy kaya laking gulat nila ng umamin si lola.
Pumayag si lola na magkaroon ng party para kina Chloe at Max. Inamin din ni lola na pinag sisihan nya ang lahat ng ginawa nya sa pamilya ni kuya Travis.
"And I'm here in front of you to announce, My grandson's family, Chloe Jimenez and Maximus Alexis soon to be Smaug" Bunyag ni lola sa stage.
Tuwang tuwang tumakbo si Max papunta sa stage kaya tumayo kami at pumalakpak. Hindi mapapantayan ng ilang ngiti ng mga taong narito ang sayang nararamdaman ni kuya Travis sa mga oras na ito.
"I'm really sorry Hijo for taking away your family to you" Ani lola.
Namumula si kuya na niyakap si lola atsaka binuhat si Max. Naiiyak din si Chloe na katabi ni kuya at halata mo sa kanya ang tuwa dahil sa pagtanggap namin sa kanila ni Max.
"Hello po" Ani Max ng agawin nya ang mic sakanyang daddy.
Tumawa ang lahat at sadyang natuwa kay Max. My nephew is cute, sweet and kind to all. May mga bagay talaga na kaparehas sya ni kuya lalo na kapag wala talaga sya sa mood.
"Hey, Ilang oras na tayong nakaupo dito pero di ko pa nakikita ang boyfriend mo" Seryosong bulong ni kuya Travior.
"Traffic lang siguro" Sabi ko.
"Traffic ng isang oras mahigit?" Si kuya Tristan na ang sumingit.
Nilingon ko ang dalawa at bakas sa kanila ang di mo mababasang ekspresyon.
"Ano ba? We're here to celebrate this welcome party for kuya's family and kuya's new life" I said.
Pagkasabi ko noon ay tahimik sila at tumingin sa unahan kung saan naroon ang pamilya ni kuya Travis.
Maraming tao ang narito sa party, Ilang business partners ng iba't ibang negosyo, press at ilang mga kamag-anak namin o di kaya'y family friends.
Napansin ko ang hindi pagdalo ng pamilyang Muntimayor, dahil ba narito ang pamilya nina Rusty? Tanging ang makapal lang na mukha nina Angela, Eunice at Fiona ang nasisilayan ko.
"Trixie, anytime now matatapos na ang party, wala pa ba si Rusty?" Tanong ni mommy.
"Wala pa po eh" Sabi ko.
Kanina ay nag text sya at sabi nya ay busy sya sa office kaya susunod sya, but now? alam kong hindi na sya pupunta dahil patapos na ang party ay wala pa sya.
Dumoble ang lungkot ko ng maramdaman ko ang pagkibo ng bracelet na bigay ni Rusty sa kanang kamay ko. Deserve ko ba ito? deserve ko bang makaramdam ng ganito?
Ilang saglit pa akong natulala nang may isang lalaki ang lumapit saakin.
"You okay? Ayaw mo bang maging pamangkin si Max?" Natatawang tanong nya.
Ngumiti ako.
"Syempre gusto"
Naupo si Lean sa tabi ko ng nag pi-pictorial pa sina kuya sa stage, kanina pa sila nag pi-picture at kasali ako, naupo ako dahil sa pagod.
"Where's your boyfriend?" Tanong nya.
"I don't know either" Malungkot na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
