Chapter 11

12 1 0
                                        

Chapter 11
I don't have any idea~

Nagising ako ng may humawi ng kurtina sa glass window ko dahilan para masinagan ng araw ang mukha ko.

"Good morning" Bati ni kuya Travior.

"Kuya close it again! Inaantok pa ako" Sabi ko pero hindi nya sinunod.

"Di mo ba alam kung anong oras na?" Tanong nya.

Umupo sya sa swivel chair ng study table ko at may kinalikot na kung ano sa mga papel sa ibabaw nito.

"Hindi" Diretsong sagot ko.

Kaagad kong kinuha ang phone ko na nasa bedside table ko lang, at nakitang SHIT? it's 12 noon. Kakabwisit talaga si Rian napa telebabad nanaman kami kagabi kaya ayan at inabot ng madaling araw.

"Hindi ko alam na nahiligan mo na talaga ang pag de-design ng mga kung ano ano" Ani kuya.

Bumangon ako sa pagkakahiga, pero di pa ako tumatayo.

"Yeah" Tipid kong sagot.

"Bakit di mo kunin ang tamang kurso para sa gusto mong maging designer?" Tanong ni kuya.

"Nah. Hobby ko lang ang mag drawing ng mga ganyan, Alam mong I'm into dishes. Kaya HRM ang kurso ko" I said.

Kahit anong gustuhin ko pilit parin na ako ang mag mamanage ng hotel namin someday.

"Well I see. Tamo nga naman si kuya Tristan, he wants to be an engineer pero negosyo parin natin ang inuna nya"

"Now you know what I mean?"

Tuluyan na akong tumayo mula sa pag kakahiga ko. Isang panibagong araw nanaman ngayon, halos mag dadalawang buwan na simula nung unang pasukan namin. Sadyang napakabilis lang ng mga araw. Nakaka-bored pa ngayon dahil wala kaming pasok.

"Where are they?" Tanong ko.

"Si dad and mom nasa office for sure, si kuya Tristan nasa isang business trip in palawan, kuya Travis naman nasa meeting daw sya ngayong tanghali" Pagsasa-isa nya.

"Ikaw? wala kang lakad?" I said.

Inayos ko ang higaan ko at hinarap si kuya ng matapos ako.

"Wala naman, gusto ko lang pumunta sa unit ko. Wanna come?" Tanong nya.

Agad akong nag taas ng tingin sa kanya at napangiti ako. Sa loob ng dalawang taon simula ng ibigay sa kanya nina mom and dad ang condo unit nya ay di pa ako nakakarating doon.

"Sure. Maliligo lang ako" I said.

"Okay then. I'll meet you in dining room" Aniya.

Hinalikan ni kuya ang noo ko at ni-tapped ang ulo ko.

Nag madali ako sa pag punta ng CR at agad na naligo doon, Nag bihis lang ako ng skater skirt at white tshirt saka ng rubber shoes. Konting make up lang at inipitan ko ang buhok ko ng messy bun.

"Damn sis! Sakin ka talaga nag mana" Wika ni kuya Travior ng mag tagpo kami sa dining.

"Yeah yeah" I said at inirapan ko sya.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon