Chapter 12

4 1 0
                                    

Chapter 12
Hindi ko alam~

"Ayan bagay sayo yan. Ay hindi mas bagay sayo ito. Parang mas type ko itong pink" Nalilito na ako kay Chei dahil kanina pa sya hindi mapakali.

"Try this one. I'm sure bagay din ito sayo" Aniya at binigay saakin ang isang indigo color na ballgown.

Di ko na napigilan dahil kanina pa ako nag tatakha sa mga kaganapan sa paligid.

"Chei. What's going on? Bakit pinapasukat mo saakin ang mga yan?" Naguguluhang tanong ko.

Wala syang naging tugon sa tanong kong iyon at patuloy lang sya sa pag pili ng magandang gown na susuotin ko.

"Basta pumili ka nalang" Kinindatan nya ako.

Kung pipili nalang ako basta ay maaaring hindi angkop sa pupuntahan namin ang mapili ko. Ano ba kasing meron? baka mamaya wedding anniversary pala pupuntahan namin tapos pang birthday or pang halloween ang suot ko.

"Chei" Tawag ko sa pangalan ng babaeng kasama ko.

"Mhh? Yes Trixie dear? Nakapili ka na ba?" Tanong niya.

"Hindi pa" Sagot ko habang tinitignan isa-isa ang mga gowns na pag pipilian.

"Sige sabihin mo sakin pag may napili ka na ha" Aniya.

Tumango lang ako bilang sagot. Naupo lang ako sa isang sofa at tinignan ko lang syang nalilito din pagpili ng mga susuotin ko.

"Anong party ba ang pupuntahan? Ako na ang pipili" Sabi ko.

"Sandali lang ha? Itatanong ko lang sa kuya mo" Anito.

Kita nyo na? Di nya din naman pala alam kung anong occasion tapos nalilito sya pag hahanap at pag pili sa mga ito.

Tiningnan ko ang mga gown na pinag pipilian nya, Pink na ballgown, Blue fitted gown na off shoulder, Gray fitted gown na low-cut deep vneck.

"Birthday daw nung kaibigan niyo" Sabi ni Chei ng makabalik sya.

"Ah. Sinong kaibigan daw?" Tanong ko.

Sino bang kaibigan namin na may birthday ng august?

"Ewan. Walang sinabi" Aniya.

Sa edad na thirty five ay magaling at mahusay ng gumawa ng suit at gown itong si Chei. Syempre pati mommy nya ay ito din ang naging kabuhayan.

"Naka pili ka na ba?" Tanong nya.

"Hindi pa nga eh. Ang gaganda kasi ng mga gawa mo" Sabi ko.

Totoo naman kasi. Ang ganda ng mga gown na gawa nya kahit simple lang ang mga ito.

"Ikaw naman. Di mo na kailangan pang mambola" Aniyang natatawa.

Tumawa nalang din ako bago tuluyang pumili ng susuoting gown.

"I like this one" Tinuro ko ang kulay gray na low-cut deep vneck. "Kaso masyadong nagpapakita ng kaluluwa" Natawa kami ni Chei pareho.

"I think itong blue nalang, what do you think?" Tanong ko kay Chei.

Ngumiti sya at nilapitan ako.

"Trixie. Lahat ng yan bagay sayo"

"Ewan ko sayo Chei. Haha pero ang simple kasi nito at isa pa pu-pwede sa kahit saang party" Sabi ko.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon