Chapter 8

10 1 0
                                        

Chapter 8
Truth~

Umaga nanaman at tapos na agad ang unang linggo ng klase, lunes nanaman kaya nakakatamad bumangon. Panibagong araw, panibagong kagaguhan nanaman ang gagawin ng isang Trixie Isabelle.

"Good morning mommy" Ang wika ko kay mommy ng makita ko sya na nag lalakad sa corridor ng second floor nitong bahay namin.

"Good morning baby. Let's eat?" Aniya

"Tara po"

Nakaligo na ako, nakapagbihis at nakapag ayos. Simple lang ang suot ko gaya noon. High wasted pants at maroon shirt lang, manipis lang ang make up ko at pinalugay ko lang ang buhok, nag white rubber shoes nalang din ako para mas comfortable ako.

Naka rating kami sa dining at napansin kong wala si daddy, sanay na kami na minsan ay talagang maaga syang naalis para pumunta sa trabaho at ganon din si mommy or sina kuya minsan.

--

Pagkakain namin ay nag retouch lang ako sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit, nakaalis na ang mga tao dito sa bahay. Tanging ako, si kuya Travior at mga kasamabahay nalang ang natira.

"Take care sis" Ani kuya Travior ng mag pang-abot kami sa parking.

Paalis na sya at hinalikan ako sa noo.

"Yeah. You too" I said.

Pag kapasok ko sa loob ng sasakyan ko ay inilagay ko na ang gamit ko sa front seat ng kotse ko at saka ako nag sit belt at marahas na nag paharurot.

Wala ako sa mood ngayong araw na ito at di ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay tinatamad ako dahil para akong mag kakasakit. Ang sakit ng katawan ko at gusto ko lang matulog.

"Eyaaa Trixie" Bungad ni Katy ng maka baba ako ng sasakyan ko.

"Hey" I said.

"Not in the mood?" Tanong nyang nagtataka.

"Slight. Para akong mag kakasakit eh" Sabi ko.

Agad nyang hinawakan ang noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat, wala ka ding sinat" Sabi nya.

"Wala naman talaga eh" Inirapan ko sya pero natawa ako sa naging reaction nya.

Ang sakit lang sa pusoooooon! Hutanginabes only girls will understand this kind of feeling. Yung pakiramdam mo may waterfalls sa loob mo, konting tawa mo may lumalabas, konting kibo mo may lalabas parin haaaaays. Dapat mga lalaki din nagkakaganito eh.

"Ay alam ko na" Ani Katy at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "May period ka noh?" Aniya.

"May lahi ka talagang mang huhula eh noh?" Tanong ko "Tara na nga!" Pag yaya ko sa kanya.

Naka punta na ako ng classroom ko at for sure ay nasa classroom narin nila si Katy.

"Good morning class" Ani Professor Martin

"Good morning Mister Martin" Everyone said.

May pagka maharot din tong teacher naming bakla na to eh, ang pabebe nya lagi sa tuwing may kaharap syang mga gwapo at basketball player. Minsan nga kina kuya pa eh.

"Miss Smaug. What are you looking for?" Anito saakin ng mapansin nya sigurong titig na titig ako sa kanya.

"Nothing sir. Napansin ko lang pong mejo pumayat po kayo" Yuck! Noway, kadiri.

Pabebe syang tumawa bago nag patuloy. "Ikaw naman miss Trixie napaka bolera mo din eh, Manang mana ka sa mga kuya mo" At mapang asar na tumawa nanaman.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon