Chapter 2.
Smaug~
"Miss Trixie kilala mo ba yung mga lalaking nasa cottage?" Tanong ni Andrei saakin habang inaayos ko ang mga inumin na ihahatid sa kanila.
Umiling ako as an answer.
"May isa pala, yung naka black na sleeveless shirt. Si Vinz" Sagot ko.
"Eh yung naka white na sleeveless shirt kilala mo?" Tanong ulit nya.
Umiling nalang ako.
Aba malay ko ba dun sa mga yun ngayon ko nga lang sila nakita eh.
"Bakit?" Tanong ko.
"Naka-tingin kasi sayo kanina tas naka-ngiti" Aniya.
nakakaano? edi tumingin sila jusq di naman ako mamamatay kung titingnan nila ako eh.
"By the way nakasalubong ko si Rian kanina" Pag iiba nya.
"Anong sabi?" tanong ko.
"Tinatanong nya lang kung nasaan ka, duty din kasi sya ngayong hapon eh" Sabi nya bago nag patuloy sa pag dala ng mga pagkain.
Naalala ko nag sa-summer job nga pala dito sina Katy at Rian kaya pag may job training kami nina kuya ay nagkikita kita kaming mga girls.
"Hey miss" Anang isang lalaki saka humarang sa daan.
-_-
Inilapag ko na ang mga drinks na inorder nila.
"Go girl" bulong ni Andrei saakin sabay kindat.
"Yes sir? May kailangan po kayo?" Tanong ko sa kanya.
he smiled.
"Lean Valton" kasabay noon ang paglahad nya ng kamay.
"Sir kung wala po kayong oorderin ay babalik na ako dun, tawagin nyo nalang po ako kung may kailangan pa kayo" Nagtungo muna ako bago pumunta sa west restaurant.
Habang nag lalakad ako ay naka salubong ko si vinz.
"Woah Trixie" Aniya
"Hey, Ay nga pala naihatid na namin yung drinks nyo" I said.
"Really? thank you, saka pala pa-order pa din ng leche flan" He said, then smiled.
Tumango nalang ako at direcho pasok na sa restaurant para masabi na sa loob ang order.
"Baklaaaaa"
"Ay bakla" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa umimik.
"Juskooo bessy sabi ni Andrei andito daw ang grupo nina Lean Valton?"
Jusko akala ko kung sino si Rian lang pala, kalog yan eh. Pero anong meron kina Lean Valton at kilig na kilig ang isang to?
"Oh ano ngayon?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ito naman high blood agad" Sabi nya kasabay noon ang pag lapit nya sakin.
"Ano nga kasi yon?" Natatawa na ako ngayon dahil sa expression ng muka ni Rian.
"Syempre kung nanjan si Lean Valton for sure anjan din sina Andrew Valton at Zues Luaton juskooooo" Anang babaitang kausap ko at kinikilig.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomansaTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
