Chapter 20
Max~
Minulat ko ang isang mata ko at balak ko na sanang tumayo kaso sobrang sakit ng ulo ko.
"Argh!" Sigaw ko dahil sa sakit ng ulo na naramdaman.
Fuck this hangover thing. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat tuwing umiinom ako. I hate it, ang sakit sa ulo.
Tatayo sana ako nang bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at isang lalaki ang bumungad.
"Are you okay?" Tanong ng isang lalaking nalilito-lito ang ekspresyon.
"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Malakas na sigaw ko dahil sa gulat na andito sya.
What is he doing here? Paano sya nakapasok? Anong nangyari?
Agad kong tinignan ang damit ko at ganon parin iyon, tulad parin ng suot ko kagabi. Kumpleto pa ito maliban sa rubber shoes ko.
"Sorry. I know it's hangover" Sabi nya at balak pa yatang pumasok sa loob ng kwarto ko nang husto.
"Wag!" Pigil ko sa kanya.
"Sorry. Uhm- kumain ka muna at pagkatapos non ay uminom ka ng gamot sa sakit ng ulo" Sabi nya.
Is it good thing or bad? Isang Lean Valton ang bubungad saakin dito sa condo ko ngayong umaga? Paano nangyaring andito sya sa loob ng condo ko?
"Okay. Mag lilinis muna ako" Sabi ko.
Tumango sya at isinara ang pinto ng kwarto ko. Agad akong bumangon at ininda ang sakit ng ulo ko. Naligo ako at nagbihis. Short-shorts at tshirt lang siguro para sa araw na ito. Lumabas na ako ng kwarto ng nakabihis na, mejo masakit parin ang ulo ko pero di na gaya kanina.
Nakita ko si Lean sa kusina ko na naka white sleeveless shirt at khaki short na under the knee ang haba. Naka apron si Lean at busy sa paghahalo ng kung ano.
"Hey. Kanina ka pa jan?" Tanong ni Lean ng mapansin siguro na nakatayo ako doon.
"Not really. Ngayon ngayon lang"
Pagkasagot ko noon ay inilapag na ni Lean ang sausage, egg at fried rice sa lamesa, naglagay sya ng mga eating utensils na para sa dalawang tao.
Lumapit ako sa maliit na lamesa ng condo ko para makakain na din. Ayoko man pero damn! Nagugutom na din ako.
"Nakialam ako sa kusina mo. Okay lang?" Sabi nya.
"Nagamit mo na. Wala na akong magagawa" Malamig kong sabi.
Natawa sya ng bahagya at umupo na ng tuluyan sa katapat ko. Nilalagyan nya ng pagkain ang pinggan ko kaya nakatitig lang ako sa kanya.
"Can I ask you something?" Tanong ko sa kanya.
"Sure. Spill it out" Aniya.
Huminto sya sa paglalagay ng mga pagkain sa pinggan ko at sa kanya naman nagsimulang maglagay.
"Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko.
Binitawan nya ang kubyertos at nakangiting nakatingin saakin. Wag syang paloko-loko tutusukin ko talaga sya ng tinidor.
"Pinapasok mo kaya ako dito kagabi. Lasing na lasing ka kaya iniuwi na kita dito, Ikaw mismo ang nagbigay saakin ng susi mo para maihatid kita sa kwarto mo" Pagpapaliwanag nya.
Uminom sya ng kape at binalik ang tingin sa pagkain nya.
Ganon talaga ang nangyari? Shit. Trixie nakakahiya ka! I hate you!
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
