Chapter 33
Cold~
"Good morning tita" Bati ni Max nang isang umaga.
Simula ng maipakilala sina Chloe at Max bilang asawa't anak ni kuya ay dito na sira sa bahay tumutuloy. Ani kuya ay hindi pa daw tapos ang pinapagawa nya'ng bahay para sa pamilya nya.
"Good morning Max. Where's your dad?" I asked.
"He's in their room with mom" Aniya.
Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming bumaba. Monday ngayon kaya may klase pa ako. Hindi naman ganon kaaga ang schedule ko kaya 8 na ng lumabas ako sa kwarto.
Sa kusina ay nakita ko doon si manang Helen kasama ang si yaya Puring na isa sa tagabantay ni Max.
"Nako hija, Pumunta pala dito kanina si Lean" Bungad ni yaya Puring.
"H-Ho? Bakit daw po?" Tanong ko.
Asa ka Trixie, as if naman na ikaw ang pinunta nya dito.
But why not? Hindi masamang umasa na ako nga ang pinunta nya rito.
Binuhat ko si Max at inupo sya sa high chair sa counter ng kusina namin.
"Hindi ko alam eh. Pero nag usap sila ng kuya Tristan mo. At nga pala, dahil tulog ka pa kanina ay hindi na kita ginising pa" Ani yaya Puring sabay lapit sa kay Max.
"Pinabibigay nya lang ito" Ani Manang Helen sabay abot saakin ng tatlong pirasong pink roses.
"Yieeee tita ganda ha" Ani Max.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman pero ang kilig sa loob ko ay walang hanggan.
Nag simula ang umagang iyon na magulo ang utak ko, magulo dahil sa nararamdaman ko para kay Lean. Damn! Bakit kailangan kong maramdaman ang bagay na ito? I already have a boyfriend and I know Rusty is the only one.
"Hoy! Kanina pa ako nag sasalita" Ani kuya Travior.
Hindi ko na napansin pati ang pagsulpot nya dahil sa kakaisip ko ng kung ano-ano. Tama pa ba ito? Ang mahulog ako sa isang tao habang may boyfriend ako. Diba hindi?
"I'm sorry kuya. What is it again?" I said.
"Tinatanong lang kita kung sasabay ka saakin or mag da-drive ka mag isa papunta sa school" Tanong nya.
"Ako na bahala sa sarili ko kuya, you don't have to worry" Sagot ko.
Tumawa si kuya at nilaro si Max saglit.
"Busy na yung boyfriend mo eh no? Galing" Nag tiim bagang si kuya bago ako tingnan.
"Kuya, wala namang ibang maasahan yung daddy nila eh" Sagot ko.
This past few weeks ay mas naging busy si Rusty dahil sa pag alis ng papa nila. Walang ibang mag-aasikaso ng iilan nilang negosyo kaya sya na muna ang namahala. Naiintindihan ko naman kung nawawalan sy ng oras, ganon din naman ako.
"Psh. Kahit pa, kung talagang mahal ka nya-" Di na natapos ni kuya ang sasabihin nya dahil nagsalita ako.
"Kuya. That's enough. Kung talagang busy sya dahil sa pag alis ng papa nila ay wala akong magagawa kundi hayaan sya dahil negosyo naman nila iyon" Sabi ko.
Umalis ako ng bahay at pumasok sa school mag isa. Lahat ng estudyante ay busy para sa darating na finals. Maging ako ay ganoon din.
"Ano na girl? Two months na kayo ni Rusty at minsan lang kayo mag laan ng oras sa isa't isa" Mataray na sabi ni Katy.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
