Chapter 27
Boyfriend~It's been two weeks since the last time we talked. Wala na ding communication ang namagitan pa saamin, minsan ay nakakatanggap ako ng text nya tungkol sa group study namin pero kadalasan ay wala talaga. Busy yun sa mga babae nya, busy yun sa pagba-bar nya at sa pag pa-party nya.
"Hoy! Kanina pa ako dada ng dada dito" Sigaw saakin ni Rian kasabay ng paghagis nya saakin ng isang unan.
"Oo nga kasi" Sagot ko kahit na hindi ko naman alam ang sinasabi nya.
Andito sya sa kwarto ko, parehas kaming nasa bahay dahil naghahanda kami para sa event mamaya. Maraming business partner nina daddy ang pupunta, isa na doon ang Valton.
"Anong oo? Di naman kita tinatanong" Nagtatakhang tanong ni Rian.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong kong pabalik.
Tumawa si Katy at tinignan nya ako, yung isang uri ng tingin na para bang may gustong sabihin.
"Stop looking me like that, Katy" Iiling-iling na sabi ko.
"What? Hindi kita inaano diyan" Aniya at nagpatuloy na sa pag babasa ng kung ano sa cellphone nya.
"Kanina ka pa nakatitig sa kung saan!" Bulyaw ni Gelli.
"Imik ako ng imik naka tameme ka lang diyan" Kahit kailan talaga itong si Rian, napakaingay.
"Ang ganda kasi ng dress na isusuot mo mamaya. Simple pero ang lakas maka agaw ng pansin lalo na kung ikaw ang may suot" Nakangiting sabi nito.
"Samantalang pag tayo ang nag suot, Mukha tayong ewan" Dagdag ni Katy.
Parehas ko silang inirapan dahil sa kung anong sinasabi nila. It's 5 in the afternoon at ang sabi ni mommy ay 8:00 pa naman ang dinner with our business partners.
Niyaya din ni mommy na dito nalang mag stay sina Katy, Gelli at Rian hanggang kinabukasan, aniya'y medyo mali-late kami ng uwi dahil sa kung ano mang dahilan.
"Tumigil nga kayo! Ang maigi pa mag sipag-ayos na tayo" Sabi ko.
Tumango naman ang tatlo at gaya ng sabi ko ay sinunod nila iyon, kakatapos lang naming maligo at ngayon ay sinusubukan na naming magkulutan at mag-unatan ng buhok.
Nagpasya ako ng kulot ang dulo ng buhok ko dahil ito naman talaga ang orihinal na itsura nito, nilugay ko lang iyon. Si Rian ay tinuwid ko ang buhok, si Gelli naman ay naka high ponytail at inayos iyon ni Katy, si Katy naman ay kulot din gaya ng saakin.
"Girls" Katok ni mommy sa labas ng kwarto ko.
"Bukas po!" Sigaw ko.
Binuksan ni mommy ang pinto at pumasok sya doon.
"Getting ready huh? Make sure that all of you are gorgeous tonight" Ani mommy at kumindat.
"Thank you po Ms. Smaug" Pormal na pasasalamat ni Gelli.
"Ano ka ba naman Gelli, Tita nalang ang itawag mo saakin" Mahinahong sabi ni mommy.
Nag usap pa kami saglit bago nag pasya si mommy na umalis na, para daw makapag ayos na kami saaming mga sarili. Naglagay muna kami ng make up, light lang ang saakin dahil light lang din ang damit na susuotin ko. White floral fitted dress are so adorable.
"You're so pretty!" Ani Gelli nang makalabas ako sa walked in closet ko.
Tingin ko nga ay bumagay din ang suot kong heels sa damit at make up ko, ayos na rin ang mga kasama kong naka make up at dress. All of them are so beautiful tonight.
![](https://img.wattpad.com/cover/141643797-288-k729986.jpg)
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...