Chapter 18
neighbor~"I can handle myself kuya don't worry" Sabi ko ng isang araw ay nasa school ako at walang ibang tao sa bahay kundi ang mga katulong
Dumating sina mommy noong isang araw pero ngayon ay umalis nanaman para mag invest ng lupa sa Quezon.
Samantalang ang mga kapatid ko naman na sina kuya Tristan at kuya Travis ay paniguradong busy sa opisina dahil padami ng padami ang mga nagiging branch ng Smaug Corp.
Si kuya Travior ay busy sa mga Thesis nya at sa school dahil sa darating na sandamakmak na event. Damn it! sobrang busy ng mga tao sa paligid ko.
[Paano ka mamaya? Sino susundo sayo sa school?] Tanong ni kuya Travis.
"Kuya, I'm not a little girl anymore. In fact I can drive my way home. At isa pa pala hindi ako uuwi sa bahay mamaya" Sabi ko na parang tanga kada-dada sa phone ko.
Tini-tignan ako ng mga esudyante sa corridor.
[San ka pupunta? Papasundo kita kay Mang Ajong] Aniya.
"No need kuya. Sa condo muna ako uuwi" Sabi ko.
Simula ata nung magkaron ako ng condo unit ay napapadalas na ang pagtulog ko doon lalo na kung wala sina mommy at daddy sa bahay at nagkataong di din uuwi sina kuya dahil doon sila sa condo unit nila.
[Okay then. Please take care of yourself. Call me when you get home at kung may problema ka man or what] Aniya.
"Okay kuya. Stop worrying, kaya ko 'to. I love youuu" Paglalambing ko.
[I love you too] Sabi nya.
Pinatay ko ang tawag at naglakad na ako papunta sa susunod kong subject. Maigi at sa kabilang classroom lang yun kaya hindi ako mahihirapan pang lumakad papunta doon.
"Hey" Sabi ni Vinz at sinabayan ako.
"Hey" Naka ngiting bati ko.
"Ilang araw nalang sem break na" Aniyang nakangiti.
"Yeah" Tipid kong sagot.
Magkaklase nanaman kami ni Lean sa subject na ito, ganon din itong si Vinz na kasabay ko lang pumasok sa silid.
"Mr. Cabrera, pwede mo bang i-explain kung bakit magkasama kayo ni Ms. Smaug" May pang-aasar sa tono ni Zeus.
Tinignan ko ang grupo nila at nabaling ang tingin ko kay Lean pagkaupo ko. Masama ang tingin nya kay Vinz at nang balingan ako ay ganon din ang isinukli nya. Umiba ng direksyon ang tingin ko dahil sa inis.
Ano bang problema ni Lean? Akala ko ba nag sorry na sya nung birthday ko, saka ayos naman kami nung magkita kami sa La Viste at kasama nya si Qia.
"Chill men, nag kasabay lang kami pumunta dito" Ani Vinz na nagpatigil sa lahat.
"Nagkasabay o talagang sinabayan mo?!" May galit sa tono ng boses nya.
"Lean, what your problem? Nagkasabay lang talaga kami ni Trixie" Natatawang sabi ni Vinz.
Yeah, galit nanaman si sungit. Parang sya 'tong may dalaw ah? Grabe makapag sungit sa paligid. At isa pa bat ba sya magagalit kung magkasama kami ni Vinz? Ayaw nya ba ako para sa kaibigan nya?
"Good afternoon everyone" Bati ng propesor, dahilan para mapatayo ako.
Binati din sya ng mga kaklase ko. Hindi ako nagsalita dahil lumapit na si Lean at naupo sa katabi kong upuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/141643797-288-k729986.jpg)
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
Storie d'amoreTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...