Chapter 30
First Kiss~
"Ano ka ba naman girl? Date nyo yan kaya bat ako sasama?" Reklamo ni Rian nang akitin ko syang sumama saamin ni Rusty sa mall.
"Alam naman ni Rusty na bessywap kita eh. Saka I know it'll be okay to him if you will join us" I said.
Nag face palm lang sya at saka ako tinalikuran. Mula pa kahapon ay pinipilit ko na syang sumama saamin ni Rusty. Una ko ng tinanong si Katy pero ayaw nya at ngayon naman na si Rian ay ayaw din.
Ilang minuto pa nga ang lumipas at kumatok na ang isa sa mga katulong namin sa pinto ng aking kwarto.
"Ma'am nariyan na po si sir Rusty sa baba" Anito.
"Sige po susunod na po!" Hiyaw ko.
Tinignan ako ni Rian at may kung ano pang nilagay sa mukha ko bago ako pinalaya sa kanyang mga kamay.
Sabay kaming bumaba at pumunta sa aming tanggapan kung san naroon si Rusty at nag iintay sa pagbaba ko.
"You look so beautiful" Ani Rusty at hinalikan ako sa noo.
"Thanks" Tipid na sagot ko.
"Oh sya layas na kayo, baka gabihin pa kayo diyan sa lakad nyo na yan" Ani Rian.
Tinignan ako ni Rusty at hinawakan ang kamay ko. What's going on? Bakit wala akong maramdaman? Bakit hindi manlang ako nakakaramdam ng kilig?
"Babe? Is there something wrong?" Tanong ni Rusty.
Nabuhayan ako at bumalik ang huwisyo ko. Damn! Nakakapagtaka lang naman kasi, ilang weeks na kami ni Rusty at alam kong loyal na ulit ang nararamdaman ko para sa kanya pero bakit parang wala akong kilig na maramdaman?
"I'm fine! Nagugutom lang siguro ako" Palusot ko.
"Girls" Aniya at umiling.
Naniwala naman si Rusty na gutom lang ako kaya wala ako sa tamang huwisyo. Alas tres na ng hapon kaya alam ni Rusty na oras ng miryenda ko ang ganitong oras.
Palingon-lingon ako sa paligid habang naglalakad kami palabas ng bahay namin. Parang may gusto akong makita na hindi pwede, haaaays ewan ko ba.
"Anong tinitignan mo?" Tanong ni Rusty.
"Wala. May napansin kasi akong babae jan kanina eh, baka bago naming kapit bahay" Palusot ko ulit.
"Ikaw talaga" Aniya at ngumiti.
Pinag buksan nya ako ng pinto sa kotse nya para nang sa ganon ay makapasok ako sa loob. Sa front seat ang pwesto ko at katabi ko sya na nag mamaneho.
Sa pag mamaneho nya ay may napansin akong mga text message sa phone nya na nakapatong sa dashboard ng kotse nya.
"May nag ti-text ata sayo. Baka importante yan" Sabi ko.
Sinilip lang ni Rusty ang phone nya at nag patuloy lang sa pag mamaneho.
"It's not important" Sabi nya.
"Hindi mo pa nga nababasa eh" Sabi ko.
Tumawa sya saka umiling. Ilang saglit din ng makarating kami sa mall, nag park lang sya ng sasakyan saka kami tuluyang pumasok at dumeretso sa isang restaurant.
"Why are we here?" I asked.
"I thought you're hungry?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomansaTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
