Chapter 23
Group mates~
"Pupunta ka ba mamaya sa La Viste, Anak?" Tanong ni mommy.
"Hindi po siguro mommy, I have a lot of things to do" Sagot ko habang binabaliktad ang pancake sa kawali.
Bihis na ako at nakaligo na. Maaga akong nagising para sa araw na ito kaya tinulungan ko si mommy sa pagluluto ng pang umagahan.
"Oh sige. Pagkatapos ko sa opisina ay doon nalang muna ang diretso ko" Sabi ni mommy na nag titimpla ng juice.
Tumango ako sa naging sagot nya. Naging sobrang busy sina mommy't daddy nitong mga nakaraang linggo. Ngayon lang ata sila nagkaroon ng bakanteng oras.
Minuto pa ang lumipas at tapos na kaming magluto ni mommy, nakahanda na ang lahat sa hapag at nagsisimula na din ang mga kasambahay sa gawaing bahay. Gising na sina daddy at kuya, kaya naman nag simula na din kami sa pagkain.
"How's the Smaug Corporation, Tristan?" Tanong ni daddy sa gitna ng pagkain.
"It's okay dad. Maayos naman po nung mga panahong wala pa kayo, may ilang problema po pero nasulusyonan din" Sagot ni kuya.
"Very well. How about you Travis, kumusta ang pag usisa mo sa mga empleyado" Tanong nya kay kuya Travis.
Nag angat ng tingin ang walang ganang si kuya Travis. I'm just wondering, why he act like this? Parang nitong nakaraang linggo ay parang wala sya palagi sa mood.
"Fine dad. Maayos naman ang iba at ang iba naman ay wala sa tamang gawi para sa trabaho, kaya naman ako na ang nagturo ng tamang gawi doon" Sagot nya.
Tumango si daddy at nangingiti naman si mommy. Alam talaga nila na kaya nina kuya ang Smaug Corporation.
"How about La Viste, Travior?" Tanong ulit ni dad.
"Ayos naman po. Ang mga hotels, villa, pools and all of employees are great. Maayos po silang mag trabaho" Sabi ni kuya.
"Ay ang mga restaurant? Palaging tumatawag si Alfred dahil sa problema ng mga restaurant nung makaalis kami. Pero hindi na muli ako nakatanggap pa ng tawag nung makalipas ang ilang araw" Nag aalalang sabi ni mommy.
Ngumiti si kuya at tinignan ako.
"That's because of Trixie. Ginawan nya na po ng paraan ang problema ng lahat ng restaurant nung wala kayo" Paliwanag nya.
Tinignan ako ni daddy and gaya ng inaasahan ko ay masaya sila dahil alam talaga nilang ginagawa ko ng maayos ang trabahong papasukan ko balang araw.
"Very great kids. Alam ko talagang magagawa nyo ng maayos ang mga tina-trabaho nyo" Sabi ni mommy.
Si daddy naman ay masayang pinagpapatuloy ang pagkain. Natapos kami sa pagkain at gaya ng dati nauunang umalis sina mommy at daddy para sa trabaho, maging sina kuya Tristan at kuya Travis ay ganoon din.
"Mauna na ako sa school, Trix. Call me when you need anything" Paalam ni kuya Travior bago ako halikan sa noo.
"Yeah. I will" Tipid kong sagot.
Nine in the morning pa ang simula ng klase ko at eight palang ngayon, aayusin ko lang ang mga gamit ko para sa school bago umalis.
Pumunta muna ako saglit sa kwarto ko para makapag make up na at makapag ayos pa. Saglit lang ang inilagi ko doon at nagpasya na akong umalis at pumunta sa school.
"Aalis ka na ba? Ingat pag pasok ha?" Pagpapaalala ni Manang Helen nang makababa ako.
"Opo. Salamat po" Sabi ko at nagmano.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
Storie d'AmoreTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
