Chapter 10
Bagong kaklase~"Bakit high blood ka nanaman jan?" Tanong ni Katy ng makapasok sya sa classroom namin, magkaklase kami ngayong subject na ito.
"Sino ba namang hindi maha-high blood, kung umagang umaga palang eh muka na kagad ni Lean Valton ang bubungad sa araw ko?" Bwisit na sabi ko.
Natawa sya sa naging reaction ko.
"Psh. Ang sabihin mo nag seselos ka sa mga babaeng kalandian nya" Napailing-iling sya.
"Isa ka pa din eh, Anong selos selos? Nakakabwisit naman kasi talaga mukha non ewan ko nga kung bat ang daming may gusto dun" Inirapan ko sya.
Nakakabwisit, tingnan mo nga oh! Umagang umaga nakikipag landian agad kay Bianca, Nako kung nandito si Eunice nakikipaglandian na din yun agad dito kay Lean.
"Kahit di mo aminin alam mo sa sarili mo yun" Aniya.
*death glare*
Natawa sya ng bahagya.
"What?"
"Eh kung ipabaril kaya kita jan kay Cardo?"
-__-
"Alam mo bessywap kahit ipa baril mo pa ako kay Ricardo Dalisay, di mo makakailang gwapo talaga yang si Lean. Although mas gwapo si Tristan, Travis at Andrew. Pero gwapo din ang isang to" Sabi ni Katy habang binababa ang bag nya sa upuang nakalaan para sa kanya.
Ano naman ngayon? Talaga naman kasing mas gwapo ang mga kapatid ko kesa dito sa hinayupak na Lean na to.
"Bat wala si kuya Travior?" I asked.
"Yun talaga ang hindi gwapo. Ampon nyo nga lang ata yun eh. Si tito Timothy gwapo, si tita Rizzle maganda, si Tristan at Travis gwapo din syempre ikaw bessywap pwede ng pag tyagaan. Eh sya lang yung hindi eh" Giit nya.
Umupo muna sya saglit sa katabi kong upuan at hinarap ako.
Sus if I know gwapong-gwapo din ang isang ito kay kuya Travior. Magka-mukha lang naman si kuya Travior at kuya Tristan eh.
"Yung totoo bes? saang lupalop ng mundo nyo nakuha ang asong yun?"Gigil na tanong nya.
Ampotek HAHAHAHA pag talaga itong dalawang to ang nag katuluyan mag papamisa ako at mag papa-party sa gabi.
KaVior. Yieee por da ril na ito mga bakla kong prends.
"KaVior" Ngingiti-ngiting sabi ko.
"Pinagsasabi mo? Urgh! manahimik ka na padating na si mam" Aniya at umupo na sa upuang nakalaan para sa kanya.
Teka nga muna naiinis nga kasi ako dahil kay Lean. Urgh! bwisit sya. Nilapitan nya ako at may iniabot saaking isang bagay.
"Ano naman 'to?" Inis na tanong ko.
"Just open it. Ts." Umupo sya ng padabog.
Umirap ako at hinagis iyon pabalik sa kanya.
"What the?!" Gulat na tanong nya.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...