Chapter 14

9 1 0
                                        

Chapter 14
unknown number~

Two weeks ago since my birthday, sadyang napaka bilis ng mga araw na lumilipas sa maghapon.

"Bihis na bihis ka ata? Ang aga pa ah. Where are you going?" Tanong ni kuya Travis ng magkasalubong kami sa corridor ng second floor namin.

"Sa condo ko kuya. Mag aayos lang ako ng ilang mga gamit doon" naka ngiting sagot ko.

Day off si kuya Travis at naka suot ng pambahay na damit. Eight o'clock palang ng umaga at totoong kay aga ko para sa maghapong ito.

"Woah? Baka hindi ka na umuwi palagi dito at doon ka na sa condo mo mamalagi?" mapang asar syang ngumiti.

"Nah. I will surely miss my room here so that won't happen. And maybe you forgot that I can't cook" nagpailing-iling ako.

Tumawa si kuya at sinabayan ako pagbaba ng hagdan.

"Day off ko ngayon, hindi ka ba mag papasama saakin? or hindi ba mag babago ang isip mo at baka gusto mo akong samahan" Ngumiti sya ng malapad.

"Kuya this is your rest day, mas maigi pang iwan kita dito para makapag pahinga ka ng maayos" Ngumiti ako at hinarap sya.

"Fine. But please? Eat your breakfast first before you leave. I'll cook for you" Kinindatan nya ako.

Natawa ako at tumango. Pumunta sya ng kitchen at sinundan ko lang sya patungo doon. Umupo ako sa high chair habang sya ay nag hahanda para sa lulutuin.

"What do you want? Egg, bacon or sausage?" Tanong nya.

"Anything will do" Sabi ko.

Nag palinga-linga ako sa paligid at napakatahimik ng buong kabahayan. Si mommy at daddy ay nasa isang business trip sa davao, five days silang mawawala para doon. Si kuya Tristan ay nasa opisina at si kuya Travior naman ay maagang umalis kanina para daluhan ang La Viste dahil sa iilang mga problema doon.

"You sure?" Tanong nya.

"Yeah" Tipid na sagot ko.

"Do you remember uhm-" Di nya matuloy ang sasabihin nya.

"Ang alin kuya?" Nag tatakhang tanong ko.

"Wala wala. Mag luluto na ako ng sausage at bacon" Aniya sa pag iiba ng usapan.

I do remember what? Umiling si kuya at tinignan ko lang sya. May suot syang apron habang nag luluto, habang ako naman ay naka upo parin sa high chair at pinag mamasdan sya.

*Phone rings*

"It's mine" Inunahan ko si kuya dahil nagtangka syang kukunin ang phone nya.

"Hello?" Bati ko sa nasa kabilang linya.

Unknown number ang naka lagay sa phone ko kaya hindi ko alam kung sino iyon.

"Hello?" ulit ko nang hindi mag salita ang nasa tawag.

"Who's this?" Tanong ko.

Nanatili iyong tahimik, tinignan ko ang phone ko kung buhay pa ang tawag pero buhay pa ito ang kaso lang ay walang nasagot.

"Sino daw?" Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni kuya Travis.

"Trixie" Ulit nya sa pangalan ko.

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin naman alam kung sino ang tumawag. Pag papatayan ko na sana ng tawag ang phone ko nang biglang may umimik.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon