Chapter 19
I care for you~
*Alarm rings*
Halos mahulog ako sa kamang hinihigan ko ng tumunog ang alarm clock sa side table ng kama ko. Damn! ang aga ko ata ngayon. It's seven o'clock in the morning at may usapan kami ni kuya Travis na pupunta ako sa Smaug Corporation.
Di pa ako nakakatayo ay tumunog ang phone ko.
"Hello?" Sabi ko ng sagutin ang tawag
[Baby, Pupunta ka raw dito sabi ni Travis?] Bungad ni kuya ng maka-imik ako.
"Yeah. Why?" Tanong ko.
[So is that mean, tinatanggap mo yung offer na mag model ng mga bagong products ng pabango natin?] Masayang sabi ni kuya Tristan.
"Oo naman kuya. That's our company at kung ako ang mapili nyo na mag model non ay why not?" Masayang balik ko.
Suminghap si kuya at binuga iyon ng malakas. May problema ba?
[Sana si Travior ay pumayag na din. Ano bang pinag kakaabalahan ng isang yon at laging busy?] Tanong ni kuya.
He's right, nitong mga nakaraang araw ay madalas syang wala. Pag hindi nya inaayos ang problema ng La Viste ay nasa school sya.
"Private things" Simpleng sagot ko.
[Okay then, see you later bunso. At isa pa dumaan ka muna sa bahay ngayong umaga, tatlong araw ka na daw di umuuwi sabi ni manang]
Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng dito ako sa condo nag simulang matulog, hindi parin naman nakakauwi ang parents ko kaya ayos lang naman daw. Busy parin sina kuya sa kani-kanilang ginagawa, Tapos na ang mga exams ko kaya malaya nanaman ako.
"I will. Basta diyan muna ang punta ko bago doon para kung sakaling matatagalan ako doon ay ayos lang" Sabi ko.
[Okay baby. Bye, i love you]
Kahit malalaki na kami ay di parin talaga namin maiwasan ang mag sabihan ng i love you sa isa't isa.
"Sige kuya, love you too" Sagot ko.
Bumangon ako at inayos ko ang kama'ng tinulugan ko. Pagkatapos noon ay gumawa muna ako ng bacon sandwich for my breakfast, mamaya ko na iyon kakainin pag nakaligo na ako. Tumayo na ako sa high chair at saka ko kinuha ang tuwalya ko.
Naligo ako ng madali at nagbihis pagkatapos, pupunta ako sa Smaug Corp kaya kailangan ay presentable ang suot ko at ang ayos ng mukha ko. Kaya nag suot ako ng off shoulder fitted dress na kulay black at dellmar sandals na kulay black din.
Kumain na ako ng sandwich na hinanda ko kanina at ang coffee na ako mismo ang nag timpla, pagkatapos kumain ay nag toothbrush na ako at nag make up. Mejo dark ang make up ko, compared to my everyday make up routine.
Pagkatapos gawin ang lahat ng pang umagang routine ay nagpunta na ako sa parking at binuksan ang kotse ko para makapag maneho na papunta sa building ng Smaug.
"Good morning po ma'am Trixie" Bati saakin ng guard ng sa main door ako dumaan.
Nginitian ko lang sya at tinanguan ko, sa kanang kamay ko ay hawak ko ang bag ko at sa kaliwa naman ay ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Dahil Tinadhana
RomanceTrixie Isabelle A. Smaug, sya lang naman ang anak ng may ari ng pinag mamalaking Smaug Corporation at La Viste Palace Hotel ng buong Morong. Ang Smaug Corporation ay pag mamay-ari ng daddy nya na si Timothy Smaug at ang La Viste naman ay pag mamay...
