Prologue

47 1 0
                                    

Prologue

'Trixie' yan ang tawag sakin ng nakaka rami. Minsan naman Trix lang. Whatever. Sabi ng karamihan tahimik daw ako, Really huh? mabait daw ako, Talaga ba? Sabi nila hindi ako tulad ng mga kapatid ko na snobber, well totoo naman kasi yon. Sabi nila mas matino daw ako sa kanila.

Aba hindi naman kasi ako papayag na matulad ako sa tatlo kong kapatid na lalaki. Yes. Oo tatlo! tatlong pugo ang kasama ko sa bahay bukod sa magulang namin at sa mga katulong. Hindi naman kasi porket ako lang ang babae saaming tatlo ay matutulad na ako sa kanila NOWAY! siguro may iilang similarities ang ugali ko sa kanila pero hindi ganon ka sobra.
Tatlong lalaking pugo kong kapatid na mahal na mahal ko kahit na mga ganon.

'Tristan Snap A. Smaug'
Sya ang pinaka panganay saaming apat, sya ang sumusunod sa mga yapak ni daddy, sya rin yung pinakang copy-paste ni daddy. Yung matangos nyang ilong, katamtamang laki ng mata, saktong kapal ng kilay and even his jaw lines ay kagayang-kagaya ni daddy, sya ang pinaka matalino, pinaka maayos sa katawan pero playboy, yan si kuya halos linggo-lingo iba ang ka date. Pero wag ka kasi sya ang maaasahan mo pag dating sa math. Kahit na gustong gusto nya mag engineer ay pilit nyang kinuha ang kursong business administration dahil sa mga negosyo namin.

'Travis Alexand A. Smaug'
Sya ang ikalawa saamin. Unlike kuya Tristan ayaw nya ng math, aniya'y nakaka lugaw daw sa utak. Which is totoo naman kasi. Parehas sila ni daddy na matangos din ang ilong, ang sukat naman ng labi nya at may kaliitan nyang mata ay kuha nya kay mommy, Halong Timothy at Rizle nga daw si kuya sabi ng iba. Sya din daw ang boy version ko kaya proud na proud sya don. Sya na ata ang pinaka playboy, konsintodor, maangas at astig sa mga kapatid ko. Magaling sya sa mga skateboard at surfboard, matalino din sya kaso lang ayaw nya talaga sa math. Idol ko din to sa mga pormahan, syempre astig to eh.

'Travior Isaiah A. Smaug'
(treyvyor talaga ang basa sa pangalan nya mga beshie hehe)
Ito naman ang pinaka close ko sa mga kapatid ko, kasama ko sa kalokohan, sa mga kabang-awan sa buhay palibhasa kasi parehas kami ng ugali na makulit, magulo, maingay at minsan naman seryoso at tahimik lang. Parehas din sila ni daddy ng ilong at mata ang labi naman nya ay gaya ng kay mommy na manipis lang pero namumula. Pero mas nahahawig ni kuya si daddy. Playboy din to eh kadalasan iba-iba din ang mga kasama nyang babae. Pero maaasahan yan sa lahat.

'Trixie Isabelle A. Smaug'
Syempre hindi kumpleto ang Smaug Siblings kung wala ako. Duh! Ako ang pinaka matino sa kanila, unlike them hindi ako snobbier, mapagmataas, masyadong mayabang. No! hindi nila ako katulad hahaha. Simple lang naman ako, parang ordinary girls lang na mejo baliw, kalog, madaldal, makulit. Mejo boyish din ako, sino ba naman ang hindi? eh lagi kong kasama tong tatlong pugo na ito. I am a fangirl too, mahilig ako sa KPOP at mag basa ng wattpad.

Six years old si kuya Tristan ng dumating ako sa buhay nila, Four naman si kuya Travis at two si kuya Travior, See? tig dadalawang taon lang ang pagitan ng pag kakasunod sunod namin. Masyado kasing masipag ang mga magulang namin. MASIPAG mag trabaho.

Twenty six years old na si kuya Tristan at nag ta trabaho na sya sa kompanya namin. Twenty four na si kuya Travis at graduate na sya last year. Si kuya Travior naman ay Twenty two palang at graduating na this year.

Ako? nineteen palang ako at turning Twenty this coming August 29. Wala naman akong plano sa birthday ko kundi makasama lang ang parents ko at mga kapatid ko. Okay na ako dun.

'Timothy Cedric A. Smaug'
Sya naman ang daddy namin, businessman at tagapag mana ni lolo sa lahat ng negosyo although tatlo silang mag kakapatid pero babae ang mga ito at may sari-sarili na ding pamilya at sariling negosyo. Si Daddy ang ikalawa sa kanilang tatlo sya lang ang lalaki kaya sa kanya nalang pinamana ni lolo ang negosyo at iba pa nilang ari-arian. Matangkad si dad, may matikas na pangangatawan, matangos ang ilong at may katamtamang sukat ng mata, maayos at hindi sabog ang kilay ni dad at may kaunting kapal ng buhok.

'Rizle Aliyalah Arejaz-Smaug'
Now, I want you to meet my mommy. She's the only girl who stole my daddy's heart hehez. Very fan ako ng love story nila ni daddy. Businesswoman din si mommy, may ari sila ng isang beach noong dalaga pa sya at hanggang ngayon ay kami parin ang namamahala hanggang sa dumadami na ang branches namin. Only child lang si mommy kaya no choice sya kundi sa kanya talaga ang punta ng mga mamanahin. Si mommy naman ay may katangkaran din, maputi, mejo singkit ang mata, maayos ang kilay, matangos din ang ilong at may manipis at maliit na sukat ng labi.

They're always saying na I'm the mini me of Rizle Aliyala, yung mukha ko, yung ugali ko and even the way i talk and the way akong gumalaw ay kagaya ng kay mommy and isa pa girl version of Travis Alexand. Whatever HAHAHAHA kahit sino naman pwede eh pero si kuya? the most playboy in my siblings? I don't think so.

'Katelyn G. Arevalo and Rhiana C. Raymundo'
Sila ang bestfriends ko, gaya ni kuya Travior kapartner ko din sila sa kahit anong kalokohan, Parang magkakapatid na kami nito eh. Magkaklase kami simula grade 1 kaya hanggang ngayon kami-kami parin ang mag kakasama kahit hindi na kami magka-kaklase. Scholar si Katy nina mommy at daddy sa school, nag ta trabaho din yung mama at papa nya sa kumpanya namin. Si Rian naman ay nag babayad sa school na pinapasukan namin, Workmate nung parents nya yung
parents ni Katy.

Sabi ng mga kaibigan ko na masarap daw mainlove, what the heck? Anong bang feeling ng ma inlove? sabi nila masaya daw, yeah. Gaya ng nakikita ko sa mga kapatid ko at sa mga babaeng niloloko at binobola nila. Ang sakit kaya ma fall lalo na kung di ka sinalo. Anong masaya don? Nakakainis lang, masasaktan ka lang.

I saw my brothers how they kiss the girl but the next day ayaw na nila at mag sasawa na, sa una lang sila magiging sweet but in the end ang cold na. Playboys. Alam mo yun? Yung tipong akala mo mahal ka talaga nila but the truth is niloloko ka lang pala. Napaka rami nilang reserba. Ni minsan hindi ko nakitang umiyak ang mga kuya ko dahil lang sa babae eh. Ni minsan di ko sila nakitang mag makaawa na wag iwan.

In fact, sila ang nananakit, nang iiwan, nag papaasa at nanloloko. Yeah. I know boys, pero di ko nilalahat kasi iba si daddy. Ewan ko ba kung san namana nina kuya ang pagiging playboy. Even our great grand father is not a playboy. Why this generation is very different?

Sana makahanap ako ng guy. Yung hindi katulad nina kuya na playboy, Yung hindi mayabang at hindi marunong manloko.

Pinagtagpo Dahil TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon