CHAPTER 29

2.5K 86 37
                                    

HAPPY 101k reads. Hindi ko inaasahang aabot to ng 10ok kaya sobrang thankful ako. Anyway, here it is.

Enjoy! 😊

"MAINE, diba ngayon ang meeting mo with Mr. Chen as our company's representative? " tanong sa kanya ng kanilang director.

"Yes sir."

Dahil nga wala si Silver, napunta sa kanya ang dapat ay trabaho ng kaibigan. She didn't mind though. It's time for her to show what she got.

Nagbilin lamang ang director sa kanya saka siya naghanda para sa meeting nila nung intsik. Their meeting place will be in a Chinese Restaurant.

Napaaga siya nang dating sa restaurant na siyang kanilang tagpuan ng kameeting. Umupo siya sa upuan sa pinakareserve nilang mesa at matiyang naghintay. Mas mabuti nang siya ang maghintay.

She really need to impress the chinese guy. Kailangan niya itong mahikayat na mag-invest sa kanilang kumapanya. Malaki ang mawawala sa kanila pag hindi niya mahikayat yung intsik. Nakasalalay din dito ang promotion niya na matagal na niyang inaasam.

Binuklat niya ang folder kung saan naroon ang proposal na ipapakita niya sa  intsik saka dinouble check ito. Hindi siya pwedeng magkamali.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng may tumikhim sa kanyang harapan.

Nakakunot noong nagtaas siya ng tingin at halos manlamig ang kanyang katawan ng mapagsino yung lalaki. "Fancy seeing you here. Maybe it's fate? Don't you think so?"

May nakakalokong ngiti ito sa labi na siyang kanyang ikinabahala. It's that man from their anniversary party.

"Y-you? What are you doing h-here?" Pinilit niyang wag mautal. She will not let this man see her bothered by his presence.

The man smiled. " I'm meeting someone here. It's nice to see you though. I just came to say hello." Anito saka umalis sa kanyang harapan.

Dun lamang niya napagtantong nagpigil siya ng paghinga. She's really bothered.

Mabilis niyang inayos ang gamit saka malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. Nawala sa isip niya ang intsik na kameeting.

She's hyperventilating. Kailangan na niyang makauwi. Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak sa manibela.

She need to calm herself. Breath in. Breath out. Breath in. Breath out. Nang bahagyang kumalma ay saka lamang niya pinaandar ang sasakyan.

Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kanilang bahay ng matiwasay. Lutang ang kanyang isipan dahil lamang sa pagtatagpo nila nang lalaking iyon.

Pumasok siya sa kanilang bahay at nagtungo sa masters bedroom. Nanghihinang napaupo siya sa kama.

Kapagkuwan ay kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag at dinial ang numero ng asawa.

After three rings, he picked up the phone. "Hello hon."

"H-hon..." she tried so hard not to shutter but she failed.

"Hon? Are you okay? Where are you?" Bakas sa tono ni Heaven ang pag-aalala.

Hindi niya alam pero napahikbi siya. Narinig niya ang sunod-sunod na pagmumura ng asawa sa kabilang linya. "Fuck! Tell me hon, where are you? Pupuntahan agad kita. "

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon