CHAPTER 28

4.2K 120 60
                                    

TIME FLIES WHEN You're happy. Tama nga naman ang kasabihang ito. Mag-iisang buwan na mula nung nagpropose ulit sa kanya si Heaven. Sa ngayon at naghahanda na sila para sa kanilang kasal.

It will be two months from now, Heaven wants it to be the wedding of the year. Hindi niya gusto ang magarbong kasalan pero gusto ni Heaven na ipaalam sa buong mundo na kasal na siya rito kaya natahimik na lamang siya. She like the idea though.Yung tipong malalaman ng lahat na kanya lang si Heaven at kay Heaven lang siya.

"Someone looks happy." Ani ng boses na pumukaw sa pagdedaydream niya.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Lumawak ang ngiti niya ng nakita si Darriah. Nasa Tea-Rex coffee shop siya at hinihintay ito. Buti nga lang ay hindi ito nagpalit ng contact number. Halos dalawang buwan na niya itong hindi nakikita.

Tumayo siya saka niyakap ito.

"Dar... O my God! You change a lot. Mas lalo kang gumanda." Aniya ng kumawala siya sa yakap at pasadahan ito ng tingin.

Pabirong inirapan siya ni Darriah saka naupo.

Naupo na rin siya. "Sus! Nambola ka pa! Ikaw nga jan ang blooming eh. Hindi katulad noon na para kang lantang gulay. Tell me, Nadidiligan ka no?"

Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya saka bahagyang uminit ang kanyang pisngi. "Dar! Yan ang natututunan mo kay Ami eh."

Maine pouted her lips. Natawa naman si Darriah. "O siya, hindi na. But I'm telling the truth. You're really blooming."

Nginitian niya lang ito saka tinawag ang waiter.

"So..." ani ni Darriah ng umalis yung waiter. "... how are you? You okay now?"

"Yes Dar, as you can see. How about you?"

Dumaan ang lungkot sa mga mata nito bago ito nawala. But too late she saw it. "I'm fine."

She's lying she can feel it. "No you're not. C'mon, You can tell me about it.  Siya pa rin ba?" She didn't know the name of Darriah's man dahil hindi ito sinabi sa kanya ng kaibigan.

Bumalatay sa magandang mukha nito ang lungkot na pilit nitong itinatago. Darriah smiled weakly. "Akala ko kasi okay na kami. Then I found out that he's just toying me around. Engage na pala ang gago at malapit ng ikasal. Masakit! Masakit dahil umasa ako. Masakit dahil naniwala ako sa mga pangakong binitawan niya. Ang sakit dahil umasa ako na ako ang papakasalan niya. I'm so stupid to believe him. Binalaan ko na noon ang sarili ko na hindi ko siya dapat mahalin dahil masasaktan lang ako pero tong puso ko, naniwala at nahulog sa kanya. "

With that she burst into tears. Nilapit niya ang upuan  sa kaibigan saka niya ito yinakap. Darriah cried in her shoulders but she didn't mind.

"Sorry ha, Di ko mapigilan eh."  Anito nang kumawala sa yakap.

"It's okay. "

Mapait itong tumawa. "Ganito ata pag buntis e. Emotional."

"What?!" Wala sa sariling bulaslas niya.

Natawa naman si Darriah sa reaksyon niya. "Yes Maine , I'm pregnant. 4 weeks pa lang ang tiyan ko pero grabe na ang mood swings ko. "

Nakatanga lamang siya kay Darriah. She's such a strong woman. How could she laugh at a time like this. Kung sino man ang lalaking yun. He's a jerk! How dare he! She swear that she'll punch that man in the face if she'll meet him.

"Enough about me. Ikaw naman, ayos na kayo ng asawa mo?" Pilit nitong pinapasaya ang boses.

Nginitian niya ang kaibigan. "Don't push it. You know that I hate that kind of smile." Nabura ang ngiti ng kaibigan.

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon