CHAPTER 33

2.9K 73 40
                                    

HINDI ALAM NI MAINE kung ilang oras siyang nawalan ng malay. Basta pag dilat niya ng kanyang mata ay nakahiga siya sa back seat ng kotse.

Nanghihina na rin ang kanyang katawan dahil marami rami narin ang nawalang dugo sa kanya dahil sa tama niya sa braso.

Mabilis niyang pinaikot ang kanyang mata sa loob, pinigilan niya ang mapasigaw ng makita si Annica sa ibaba. She look lifeless. Maputlang maputla ito at nababalot ng dugo ang damit nito.

Bumaling siya sa bintana, madilim sa labas at masyadong malakas ang ulan. Wala siyang makitang ilaw sa paligid kaya agad siyang inatake ng takot. Tanging ang headlight lang ng sasakyan ang ilaw nila sa daan.

Walang ingay na bumangon siya sa pagkakahiga kahit na napangiwi siya sa sakit dahil sa tama niya sa braso. Sinubukan ni Maine na buksan ang pinto ng sasakyan pero kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mabuksan.

"Ahhhhhh!" Malakas niyang sigaw nang biglang kumidlat.

The driver of the car was startled, kaya naman mabilis siya nitong tinutukan ng baril. "Walanghiya kang babae ka! Wag kang sumigaw!!!" Galit na bulyaw sa kanya ng lalaki na siyang driver ng kotse.

"S-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin?"

"Ako? Walang kailangan sayo pero ang boss ko. Meron."

"P-parang awa mo na. P-pakawalan mo na kami." Mahina niyang pakiusap dito habang pinupunasan ng kanyang kamay ang mga luhang kumawala sa kanyang mata.

Malakas na natawaang lalaki. "Huwag mo akong artehang babae ka dahil hindi ako madadala sa pag-iyak mo jan!" Anito habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril.

Papalit palit ang tingin ng driver sa kanya at sa kanilang dinadaanan.

Napahikbi siya. "Pauwiin mo na k----"

Umalingawngaw ang putok ng baril na siyang kanyang ikinatigil sa pagsasalita. Nanlamig din ang kanyang katawan ng maramdamang malapit lang sa kanyang pisngi ang dinaanan ng bala.

"Huwag ka sabing maingay eh!" Bulyaw nito sa kanya.

Nanginginig ang kanyang kamay habang niyayakap ang sariling katawan. She felt helpless. Ang tangi lang niyang nagawa ay umiyak ng umiyak.

Wala na siyang ibang maisip kundi ang kaligtasan nila nina Annica at ang kanyang anak.

Matatapos din ang lahat ng ito at makakauwi siya sa kanilang bahay para makapiling muli ang kanyang asawa. May tiwala siya sa kanyang asawa. Mahal siya nito, hindi ito maniniwala na magagawa niyang iwanan ito gaya ng nasa recorder.

Tama. Hahanapin siya ni Heaven. Siguradong hindi ito titigil hanggat hindi siya nahahanap. Nangako sa kanya ang asawa na hindi siya nito pababayaan.

Maine was sobing lightly as she prayed for their safety. Malalampasan nila ito. Naniniwala siyang hindi sila mapapahamak.

Napaigtad siya sa gulat ng muling kumidlat.

Naramdaman niyang bumilis ang takbo ng kotse. Mas lalong nadagdagan ang takot niya dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan. Malakas ang ulan at basa ang kalsada!

Mabilis na ikinabit ni Maine ang seatbelt sa kanyang katawan habang patuloy na nagdarasal. Mahigpit siyang napakapit sa kanyang kinakaupuan saka tumuon ang kanyang mata sa kanilang dinadaanan.

Nanalaki ang kaniyang mata ng makitang may kotse silang kasalubong. Mabilis naman itong iniwasan ng driver pero dahil sa bilis ng takbo nito kanina at basa ang kalsada ay hindi maiwasang dumulas ang gulong ng sasakyan.

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon