CHAPTER 2

3.9K 104 1
                                    

"MAINE ,  ang antipatikong playboy transfer student sa business administration may pinapabigay sayo. Itatapon ko nga sana yan at hindi ibigay sayo kaso hindi naman para saakin yan. But I suggest you throw that trash." Iritadong sabi ni Silver sa kanya habang inaabot sa kanya ang isang bouquet ng white rose.

Tinanggap niya ang bulaklak at tiningnan ang card  "To the most beautiful lady I've ever laid my eyes on.  From Heaven Wyatt Ortega. "
basa niya sa nakalagay sa card.  Tsk!  Style pa lang playboy na ang dating .

" Huwag kang magpapadala sa mga pambobola ng lalaking yan ami,  sinasabi ko sayo marami ng natira ang lalaking yan.  " Napabaling siya sa kaibigan. 

" Ami,  bat daw ako binigyan ng bulaklak?  " sa halip ay tanong niya kay Silver.

Silver knotted her forehead. " Duhhh Ami,  tinatanong pa ba yan,  syempre nagpapalipad hangin yun sayo. Ano bang klaseng tanong yan ha? Huwag mong sabihing type mo ang lalaking yun ? Sinasabi ko sayo Charmaine Jhean Serano, PLAYBOY ang lalaking yun!! Playboy! In other word, Cassanova!! "

Tiningnan niya ang bulaklak. " Alam ko kung ano ang playboy ami,  hindi mo kailangang ulit ulitin yun sa mukha ko.  Tsaka hindi ko naman kilala ang lalaking yun at wala akong balak kilalanin.  Masyadong mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko at wala akong balak na dagdagan pa ito. "

Silver smiled at her. "I know ami. " Tumango lang siya sa kaibigan. Lumaki siya sa isang bahay ampunan at kaya lang siya nakakapag-aral ay dahil scholar siya ng school.  Kailangan niyang makapagtapos para makatulong din siya sa kanyang mga kinakapatid at inainahan. Kaya kailangan niyang pagbutihin para mapatunayang karapatdapat siya scholarship na kanyang tinatamasa upang hindi siya matanggal. 

"You know what,  I'm already hungry.  Tara kain tayo sa Cafeteria.  My treat. " Unlike her,  mayaman ang kaibigan niyang si Silver.  Nakilala niya ang kaibigan dahil ang pamilya nito ang palaging nagbibigay ng charity sa bahay ampunan kung saan siya naroon.
Mabait ang pamilya ni Silver at parang pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanya na kanya namanf ipinagpapasalamat.

"Sige,  Sabi mo eh.  "  Tinungo nila ang daan papunta sa Cafeteria habang hawak parin niya ang bouquet ng mga bulaklak.

"I think it would be much better if you throw that trash to where it belongs. Demonyo ang nagbigay yan kaya dapat ilagay sa basurahan." naiiritang saad ni Silver at tinuro ang bouquet ng bulaklak na kanyang hawak. Balak talaga naman niyang itapon ang bulaklak sa madadaanan nilang basurahan patungo sa cafeteria. 

Malapit na sila sa may basurahan ng may makakasalubong silang lalaki and to her shock nakatitig ang lalaki sa kanya.

The guy is freaking handsome, his set of brown almond eyes,  matangos na ilong at manipis ngunit mapupulang mga labi.  Nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang medyo magulong buhok. Sa kalkula niya ay six footer ang lalaki,  bukas ang apat na butones ng polo nito at nakasampay lang sa balikat nito ang navy blue na jacket , nagmumukha tuloy iyong rumarampang modelo.

She met his eyes,  nakipagtitigan siya sa estrangherong lalaking makalaglag panty ang itsura. Parang nawala lahat ang nasa paligid habang nakikipaglaban siya ng titig dito.

A small smile crept into his lips making her heart swoon.  Gosh!  Ang gwapo naman ng lalaking ito.

" You like it? " tanong nito ng makalapit ito sa kanya na ikinatanga niya.

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon