Chapter 2 "The Poster" (Edited)

35.7K 966 246
                                    

[[[ POV Rain ]]]

"Rain ang bagal mong maglakad! Malelate na kaya tayo!" Iritadong sabi sakin ni Maggy, pasakay na kasi kami ngayon sa private plane na Royal section lang ang allowed na sumakay. Kung ang ibang estudyante ay sa bus sasakay upang makarating sa Arena, kami ay may private plane. Eh sino nga ba kami ulit? Royal students diba?

Nababagot at walang gana akong naglalakad dahil pinakaayoko talaga ang flag ceremony. Kahit once a month lang ito gawin eh sobrang nakakatamad talaga. It means kasi kailangan namin makisalamuha sa mga regular students na rare lang naming na gagawin a month. Hindi naman kasi kami ang totally ng may ayaw sa kanila eh, sila ang may ayaw samin.

"Rain uso maglakad ng matulin, try mo lang promise, di nakakamatay!" Sigaw ulit sakin ni Maggy and rolled her eyes on me. Kahit kalian talaga ang bunganga ng babaeng ito, always na nakakagawa ng eskandalo.

"Wait lang kasi, parang ako lang naman ang nahuhuli ah!" Kung makasita naman kasi sakin eh parang ako lang ang nahuhuli, kasabay ko kaya si Ervin at Will

"Hayaan mo nga yang Maggy nay an. Kung makaasta parang ngayon lang makakasakay ng airplane kaya tayo minamadali" Biro sakin ni Will

"Wow ah! Sakin mo pa talaga naisipan na sabihin yan" Sabi ni Maggy. Si Maggy kasi ang only daughter ng pinakasikat na airport sa buong bansa kaya naman sanay na sanay talaga yan makakita ng mga planes. Meron pa ngang airplane na mukha niya ang nakadesign kasi maganda daw siya. Kapal ng mukha noh?

Nung napansin naming na mukhang nagagalit na si Maggy eh doon lang kami nagmadali maglakad. Kapag nagalit kasi yang Maggy na yan asahan mo na ang mala-machine gun na bunganga kakasermon at nakahiyaw mode pa! Minsan nga nagtataka ako kung bakit hindi namamaos yang babae na yan eh.

***

"Oh my god! Finally we're here na, nakakalurkey ang init kaya sa loob ng airplane" Maarteng sabi ni Abby. May aircon na nga ang loob ng airplane pero init na init pa din yan ah. Sarap ipalunok sa kanya nung aircon para lalong tumaba.

"Shit! Napakatagal ng biyahe halos uminit na talaga ang pwet ko sa pagkakaupo. Grabe! Ihing- ihi na din ako" Sigaw ni Edrick, hinatak niya kaming bigla ni Charly papunta sa C.R. grabe talaga tong lalaki na to hindi makakilos ng mag-isa.

"Takte naman Edrick oh" Pagrereklamo ni Charly pero wala parin siyang nagawa dahil nga hatak kami ni Edrick.

Pagdating naming sa banyo ay dali-dali naman tumakbo si Edrick papunta sa isang cubicle. Doon ko lang din napansin na may mga kasabay kaming regular students.

"Dapat pala hindi na tayo pumasok dito, merong malalaki ulo dito eh"
"Naku! Mga Royal mayayabang students"
"Shhh! Wag nga kayong maingay! Marinig kayo bigla ng mga iyan eh lagot pa kayo. Naku tandaan niyo mahirap kalabanin ang mga royalties"

"Oh yes! Feeling good na ulit ako hehe, sarap talaga sa pakiramdam ang pagjingle" Sigaw ni Edrick pagkalabas niya ng cubicle. Todo dedma na lang kaming tatlo sa ibang estudyante. Siyempre! As a Royal student, you should study about the rules of dedma and wait for the karma.

"Oy Edrick nasira nga pala yung laptop ko, pakiayos nama tapos pakiformat na din para mabawasan ang mga alaga kong virus" Sabi ni Charly.

"Sure idaan mo na lang sa bahay naming mamaya" Sabi ni Edrick habang naghuhugas siya ng kamay.

"Gago ka ba Edrick! Ang dami niyo kayang bahay! San bang bahay?" Sabi ni Charly. Totoo naman kasi eh, lahat ata ng regions sa bansa meron silang bansa... No! Meron silang MANSION.

"Maghanap ka! Hahah" Mapang-asar na sabi ni Edrick bago kami lumabas ng C.R. Pagkalabas naming ng C.R. ay wala na yung mga kaklase namin sa labas, siguro ay mga nauna ng pumasok sa loob ng Arena.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon