Chapter 3 "Game For Us" (Edited)

33.7K 846 143
                                    

[[[ 3rd Person's POV ]]]

"Ayoko ng magbasa dito grabe! Sobrang nakakapagod tong ginagawa natin" Sigaw ni Will na rinig sa study room namin. Nagbabasa kasi kami ng ga libro, siyempre we should maintain our grades in order to stay in Royal section.

"Ano ba Will? Hindi pa nga nag-iinit ang puwet mo diyan sa upuan nag-iinarte ka na!" Sigaw ni Rose kay Will. Sumigaw na ang babaeng laging hot headed kaya naman natameme na lang si Will sa kanyang pwesto.

Nabaling ang tingin ko sa aking gilid ng biglang sumingit si Xander.

"Alam niyo ba... May alam akong bagong bukas na bar malapit ng school natin.Wanna have some fun?" Nakangising sabi ni Xander at para namang pumalakpak ang tenga ni Will sa kanyang narinig.

"Sino mga kasama?" Tanong ko sa kanila.

"Si Jaypee, ako, at kayong dalawa. Oh Rain ah! Alam mo na ang gagawin dahil ikaw ang pinakamukhang matino satin ikaw na bahalang gumawa ng palusot" Sabi ni Xander sakin. Hindi pa nga ako nakaka-oo pero ako na kagad ang gagawa ng palusot... No choice!

"Ay Xander! Hindi pa pala tayo nakapagpasa ng report kay Principal, tara. Kayo ba Will magpapasa kayo?" Sabi ko na narinig naman ng lahat. Grabe hirap magsinungaling para lang sa gimik.

"Ay! Nakalimutan din namin magpasa. Tara na guys"

"Hoy mga sira! Nakita kita Will at Xander nagpasa na kayo pagkatapos ng flag ceremony, tapos ikaw Rain last day ka pa nagpasa" Sigaw samin ni Ivy, okay sumigaw na naman muli ang aming little bossing kaya naman muli kaming bumalik sa aming pagkakaupo at nagpapanic pang kumuwa ng libro para may mabasa.

"Mamaya na lang after class guys, wala talaga tayong takas kasi andyan si boss" Bulong samin ni Xander at ibinaling niya na ang kanyang tingin sa librong hawak niya.

Tumutok na kami sa pagbabasa pero after a few minutes lang ay nagbukas ng topic si Cindy.

"Oy guys naalala niyo pa kanina yung nagprank satin about dun sa poster, sino kayang gago na regular student ang gumawa satin nun? Ang tapang niya ah kasi nagawa niya satin yun" Sabi samin ni Cindy.

"Oonga eh kaya nga nakakairita eh!" Sabi ni Lorraine at ibinagsak ang libro na hawak niya

"Guys ipapasok ko lang si Mary sa may kwarto sa taas ah, masakit daw ang ulo niya at kanina pa daw siya nahihilo" Sabi ni Rose samin. Siguro kaya lang sumakit ang ulo niyan ay dahil sa kakanuod ng mga romantic movies... Hopeless romantic kasi eh, sa pagkakaalam ko kasi walang boyfriend yan eh. Hinatid naman siya ni Rose, Celine, at Maggy sa room.

May mga kwarto dito sa may classroom naming diba sabi ko nga parang modern house lang ang style nito. Complete facility kami dito merong playroom, kitchen, study room, bedrooms, living rooms at green house sa likod ng building. Sabi ko nga diba we are the royal students of this school so we should treat with respect and get the benefits that we should get.

Ngayon ang natitira na lang dito sa study room is Ako, Will, Lorraine, Cindy, David, Trick, Xander, Cyril, Geoff, Andy at Ivy. Sila Edrick, Charly, Roger, Samuel, Jaypee at Ervin ay nasa playroom naman at nasa living room naman sina Abby, Liza, Lyza, at Judy.

Medyo sumasakit na din ang ulo ko sa pagbabasa kaya naman tumayo muna ko at plano ko na pumunta muna sa playroom. Almost one and a half hour na din kasi akong nagbabasa dito eh. Ang mga royalties kasi ay kailangan maglaan ng dalawang oras para lamang sa pagbabasa kada-araw. After a week kasi nagsesend ng files ang principal sa mga email namin ang mga quizzes at exam.

"Oh Rain san ka na naman pupunta?" Tanong sakin ni Ivy, siguro iniisip pa din nito na tatakas ako.

"Sa playroom lang ako, grabe ka naman sakin Ivy kala mo lagi akong tatakas, sa playroom lang muna ko medyo masakit na kasi ang ulo ko pahinga lang saglit" Sabi ko sa kanya at naconvince ko naman siya kaya naman pumunta na akong playroom.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon