Chapter 17 "She's Alive?!?" (Edited)

20K 599 66
                                    

[[[ 3rd Person's POV ]]]

Matapos ang madamdaming Scene nila Edrick at Rain ay agad naman silang bumalik sa Restaurant. Natuwa naman at humanga ang mga kasamahan ni Rain dahil napabago niya ang pananaw ni Edrick sa kanila.

"Edrick Pasensya na ah. Hindi naman namin alam na magagalit ka ng grabe dahil sa mga reckless actions namin" Paghingi ng paumanhin ni Charly sa kaibigan, One of his Bestfriend si Edrick kaya naman mahirap sa kanya na makita itong galit.

"Kalimutan na natin 'yon, ganun naman ang magkakaibigan hindi ba? Kayang tanggapin ang bad side ng bawat isa" Nakangiti namang sabi ni Edrick sa kanila, mas naintindihan niya na kasi na mas gusto lang ng mga kasamahan niya na makalabas kaya nakakagawa sila ng mga bagay na labag sa loob nila.

"Yow Brother?" Sabi ni Samuel at nakipag bro fist kay Edrick.

"Yeah!"

"Okay na bati-bati na tayo ah!" Sigaw naman ni Charly, ganyan talaga sila kapag magkakasama, they don't care how other will look at them as long as nag-e-enjoy sila.

Nangiti naman ang lahat ng makitang nagiging okay na ang nangyayari kasi sa sitwasyon nila, kailangan lang nila na malawak na pang-unawa para lang magpatuloy sa laban.

"Nakakatuwa silang tignan noh?" Tanong ni Rose kay Andy habang nakatingin sila sa naghaharutan na mga lalaki.

"Oo nga eh, para silang mga bata na nagkabati-bati after ng isang away" Sagot ni Andy na nakatingin pa rin sa kanila.

"Sana hanggang sa huli matatag pa rin ang paniniwala natin sa isa't isa, sana makaya pa natin magpatawad" Makahulugang sabi ni Rose kay Andy.

"Gusto mong isampal ko sayo 'tong pinggan ko? Ang drama mo teh! Ang lalalim ng words" Sabi naman ni Andy sa kanya at natawa na lang silang dalawa.

***

"Mga monggoloid talaga yung mga tao na yun! Lakas ng loob na asarin ang dyosang kagaya ko. Maggy Ganda ang binabangga nila!" Sigaw ni Maggy habang nakaupo siya sa malawak na damuhan ng park at sinasabunutan ang bawat damo. Hanggang ngayon kasi ay hindi siya makaget-over sa pang aalaska sa kanya ng mga kasamahan niya.

Nakita niya naman na naglalakad si Ervin at Jaypee na may dalang snacks. kanina pa kasi siya gutom, may pa-walk out effect pa kasi siyang nalalamaneh gutom naman pala ang gaga.

"Ervin! Jaypee!" Malakas na sigaw ni Maggy sa dalawa at agad naman niyang nakuwa ang atensyon ng dalawa.

Tinuro pa ni Jaypee at Ervin ang kanilang mga sarili upang makasigurado na sila ang tinatawag ni Maggy.

"Hindi! Hindi! letcheng mga bobito 'to malamang kayo nga!" Sigaw ulit ni Maggy sa dalawa at lumapit na sila palapit kay Maggy.

Pagkalapit ng dalawa ay agad niyang kinuwa ang snacks na hawak ng dalawa.

"Akin na lang 'tong chichirya n'yo ah, makakadagdag to sa drama effect ko eh. Sige na alis na ulit kayo" Sabi ni Maggy at napailing na lamang ang dalawa sa manner na inasal ni Maggy.

"Maggy ano bang problema mo? Sinong nang-away sayo? Bubugbugin ko" Sabi ni Ervin, inaasar niya lang talaga Si Maggy dahil badtrip ito. Ang sarap kaya sa feeling na bwisitin si Maggy!

"Oo nga Maggy? Kaming bahala sayo!" Gatong naman ni Jaypee.

"Che! Umalish na nga kayongsh dalawa! Bwishit 'to!" sigaw ni Maggy sa dalawa kahit puno ng pagkain ng bunganga,tumatalsik talsik pa nga ang laway at nauwi naman sila sa pambibwisit kay Maggy.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon