[[[ 3rd Person's POV ]]]
"Ano may daan ka bang nakikita diyan?" Tanong ni Ivy kay Roger. Napag-isipan kasi nilang mag-ikot sa buong theme park upang maghanap ng daan na maari nilang paglabasan. Para mapabilis ang kanilang paghahanap nila ay nahati sila sa tatlong grupo. Gabi kasi sila nakarating sa park kaya naman natulog muna sila sa may hotel at ngayong umaga lamang itinuloy ang paglilibot.
Group 1- Ivy, Roger,Ervin, Cyril, Abby, Xander, Cindy, at Celine
Group 2- Rain, Edrick, Samuel, Charly, Maggy, Andy, Lorraine, at David
Group 3- Judy, Will, Rose, Trick, Jaypee, Lyza, LizaMas pinili talaga nila na madaming tao kada grupo para masigurado nila ang kaligtasan ng bawat isa, natatakot kasi sila nab aka bigla silang atakihin sila ng killer.
"Wala naman akong Makita banda dito Ivy eh" Sabi ni Roger kay Ivy, Nasa isa kasi silang malaking bookstore ng park, Tinitignan kasi nila ang bawat sulok at pader ng bookstore at tinitignan kung parang Harry Potter ang peg nito na may mga secret passage. Pero wala silang nakita na kahit ano, bigo sila sa paghahanap.
"Ivy nakakahaggard itong ginagawa natech! Pwede bang bumalik na lang tayo sa restaurant at kumain na lang, yun lang naman ang alam kong gawin eh" Sabi ni Abby kanina pa kasi sila lakad ng lakad sa loob ng bookstore, ayaw kasi nito ng amoy ng libro kaya gustong gusto ni Abby na lumabas.
"Wait lang! Ichecheck ko lang tong part na to tapos aalis na tayo" Sabi ni Ivy sa mga kasama.
"Ivy! Pwede bang hintayin ka na lang naming sa labas? Medyo kulob kasi dito sa loob at ang init init eh!" Sabi naman sa kanya ni Cindy. Napasimangot naman ng palihim si Ivy sa mga inaasta ng kanyang mga kasama. Para bang nagsisisi siya na sumama sa grupo na iyon dahil puro tamad ang kanyang mga nakasama
Huminga muna ng malalim si Ivy para magrelease ng bad vibes, "Sige hintayin niyo na lang ako sa labas, may titignan lang ako saglit". Pagkasabi ni Ivy ay ang tulin naman na lumabas ni Abby at Cindy palabas.
Nalilito at naguguluhan tuloy si Ivy kung aware ba si Cindy at Abby sa mga nangyayari sa kanila, inuunti-unti na silang patayin pero wala parin pakielam at nababago sa katamaran nilang dalawa
***
"Sa tingin niyo, sino ang gumagawa ng pagpatay?" Sabi ni Lorraine sa kanyang mga kasamahan habang papunta sa hotel at inn.
"Hula ko si Rose eh, Hindi kasi ako kuntento sa binigay niyang alibi" Straight forward na sabi ni Maggy sa kanyang mga kasamahan. Eto ang isa sa mga katangian ni Maggy bukod sa pagiging madaldal eh. Hindi ko alam kung matutuwa o maaasar sa pagiging masyadong straight forward at careless sa mga words na binibitawan eh, sasabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin. In short, hindi siya plastik.
"Tigilan mo nga yang pagbibintang mo Maggy at ikaw naman Lorraine tigilan mo yung mga ganyan mong tanong" Saway sa kanila ni Charly. Gusto niya kasi na hangga't wala pang masyadong pruweba ay huwag munang magbintang. Ayaw kasi niyang masira ang solid na samahan na nabuo nila.
"Wag muna nga kayong magbanggit ng kahit anong pangalan kung wala naman talaga tayong sapat ng pruweba na siya mismo ang may gawa nun" Sabi ni Rain sa kanila. Pero si Rain, patago niyang pinapakiramdaman ang mga kilos ng kanyang mga kasamahan. Kung baga, KUTOB palang ang tanging meron siya at wala pang ebidensya. Out of 23 na nanduon sa loob ng park, mahirap talagang hulaan kung sino ang gumagawa ng pagpatay.
"Oy tara na nga! Maghanap na tayo, tama na muna ang mga chismis niyo sa buhay niyo. Iexplore muna natin ang buong lugar na to para maging familiar tayo sa pasikot sikot nito" Sabi ni Andy sa kanila. Naririndi kasi siya sa kanyang mga naririnig sa kasamahan. Mga tsismoso't tsimosang tao.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.