3rd Person's POV
Masamang tinititigan ni Judy ang taong nasa harap niya ngayon. Habang ang taong nasa harap niya ngayon ay matamis na nakangiti sa kanya na para bang hindi siya ang gumagawa ng mga pagpatay.
"Nakakatuwang isipin Judy na nakagawa ka kagad ng pagkilos, Hindi mo ineexpect na ako ang may gawa nito hindi ba?" Sabi niya kay Judy habang unti unti itong lumalapit... Itinutok naman ni Judy ang kutsilyo sa taong kaharap niya ngayon.
"Sige! Subukan mong lumapit! Magpapatayan muna tayong dalawa! Ako ang susi ng mga kasamahan ko para makalabas dito kaya naman hindi ko basta basta ibibigay sayo ang buhay ko" Sabi nito at patuloy naman siya sa paglakad ng paatras... kilala niya naman ang taong nasa harap niya ngayon. Nakapatay na siya ng maraming tao kaya naman napapanigurado ni Judy na kaya siyang patayin nito in just a split of seconds.
"Ako pa talaga ang napili mong takutin ng ganyan?" Sabi na naman nito sa kanya habang nakangiting anghel... kung dati ay natutuwa si Judy na makita ang mga ngiti na yun, ngayon ay iba na dahil naiirita siya, parang gusto ni Judy na tanggalan ng ngipin ang nasa harap niya dahil sobrang nakakaasar ang ngiti nito.
Yung tipo na ngiti na painosente? yung walang kasalanan? yung hindi mo malalaman kung peke o totoo? ganoon ang suot na ngiti ng taong to.
"Bakit mo to nagagawa David? anong kasalanan namin sayo? I never thought na ikaw ang mastermind ng pagpatay" Sabi ni Judy, pinipilit niyang maging matapang.... Malakas niyang sinipa ang table papunta kay David dahilan para saglit na mapatigil si David at si Judy naman ay medyo nakatakbo palayo
"Bakit? tinatanong niyo pa kung bakit? kasalanan niyong lahat to! Simula ng namatay si Aeron lahat tayong Royals ay mga DEMONYO!! DEMONYO TAYONG LAHAT!" Sigaw ni David at pagkatapos nun ay muling bumalik ang kanyang mga labi sa isang mala- anghel na ngiti
"Alam ng Diyos kung gaano tayo nagsisi sa nangyari, ilang taon nating hawak ang burden na dala ng pagkamatay ni Aeron... hanggang ngayon naalala ko pa ang mga nangyari! hanggang ngayon nakokonsensya pa din ako!" malakas na sigaw ni Judy at pinipigilan niyan pumatak ang kanyang mga luha... makikita sa kamay ng dalaga na takot na siya dahil sa panginging nito ngunit ipinapakita niya na isa siyang malakas na tao
"Alam mo bang girlfriend ko si Mary?" nakangiting sabi ni David ngunit ang mga mata niya ay may mga luha na nagbabadya na pumatak. Nagulat si Judy sa narinig kay David dahil wala siyang alam.
"Ano!! hindi ka nakaimik? hindi mo alam diba? kasi nga wala kayong pakielam! Tang ina! alam mo ba ang tingin ko sa mga royals? Ang Royals ay samahan ng mga nagpaplastikan na tao! lahat tayo nagpaplastikan, kunwaring tumatawa pero ang totoo wala talagang pakielam.... That's how the world of royalties run" Sabi ni David at malakas na sinuntok ang isang salamin sa gilid. Napatili naman si Judy sa gulat dahil sa ginawa nito
***
[[[POV David]]]
Isa sa mga pinakamasayang bagay na nangyari sa buhay ko simula ng makapasok ako sa section na tanging mga matataas na tao lamang ang maaring pumwesto. The Royal 25 students, hindi naman kami ganong kayaman katulad ng iba pero alam ko sa sarili na may utak ako at kaya kong makipagsabayan kung patalinuhan lang ang pag-uusapan
Nagbago lang naman ang lahat simula ng nawala si Aeron, aaminin ko natakot ako sa mga nangyari at nakonsensya dahil pagbali-baliktarin mo man ang mundo, isa pa rin ako sa mga sangkot sa krimen. Namangha ako sa koneksyon ng mga kaklase ko dahil hindi nakalabas ang balita tungkol kay Aeron at mas lalong hindi ako napagbintangan.
Isa si Mary sa mga taong tumakbo sakin sa panahong kailangan niya ng masasandalan, naging mabuti akong kaibigan sa kanya at hindi naglaon at nagkaron kami ng tagong relasyon. Hindi ko naman inaakala na ang simpleng infatuation ko sa kanya ay lalaki at uusbong bilang isang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
TerrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.