3rd Person's POV
Pagkalabas nila sa elevator ay bigla na lamang napaupo sa sahig si Lyza sa lapag at nag-iiyak, siguro marahil ay hindi niya kinaya ang mga nangyari sa loob ng elevator. Sino nga naman ang mag-aakala na isa si Ervin sa gumagawa ng pagpatay.
"Lyza, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Charly sa kanya, kaibigan niya si Lyza at taon din ang pinagsamahan nila kaya naman nag-aalala siya para dito.
Napahinto ang lahat at napatingin kay Lyza, sinenyasan naman ni Charly ang kasamahan na umalis na sila at siya na ang bahala kay Lyza.
"Ayos? Hindi ako okay! Namatay na halos lahat ng kaibigan at kaklase ko tapos tatanungin mo ko kung ayos lang ako?!" Sigaw ni Lyza, talagang nababalot na ng takot ang kanyang puso kaya naman nagawa niyang sigawan kahit si Charly.
"Everythings that happen on us have a reason and im sure of that" Sabi ni Charly sa kaibigan at inalalayan itong tumayo.
"Anong reason? Tang ina naman anim na lang tayong nabubuhay! H'wag kang tanga! mamamatay tayong lahat!" sigaw ni Lyza.
"Wag kang mag-panic okay? it doesn't help at all. All you need to do is trust me, I will make sure that i will help you to leave this fucking island no matter what happen, okay?" Sabi ni Charly na nakapagpabago ng ekspresyon ni Lyza.
"Stand up there, don't show the weak Lyza, you should be strong. If you feel blue and down, I'm always at your back and I will help you to fade the loneliness in your heart" sabi ni Charly habang itinatayo niya si Lyza.
Napayakap na lamang si Lyza kay Charly.
"Please hayaan mo kong umiyak sa huling pagkakataon, eto na ang huling beses na magiging mahina ako" Sabi nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Yinakap naman siya pabalik ni Charly upang iparamdam kay Lyza na hindi siya nag-iisa, hindi niya kailangan solohin ang mga problema. Sama-sama silang napunta sa demonyong lugar na iyon kaya sama-sama din silang lalaban para makaalis dito.
***
[[[ POV Lyza ]]]
Matapos akong komprontahin ni Charly ay nagtungo ako sa kwarto ni Ervin, gusto ko kasing malaman kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon? Ano ang malalim na pinanghuhugutan niya sa paggawa ng mga pagpatay?
Hindi naman sa pagbabayani pero gusto kong makatulong sa mga kasamahan ko at hangga't maari gusto kong maintindihan ang bawat isa. Sawa na kong tumakbo, sawa na kong kumapit sa mga kaibigan ko kapag nahihirapan ako. Oras na ngayon para tumayo ako sa sarili kong paa.
Buti na lamang at hindi naka-lock ang kwarto ni Ervin kaya naman agad akong nakapasok. Masasabi kong isa itong tipikal na kwarto ng lalaki dahil sa gulo at wala sa ayos na mga gamit.
May isang notebook agad ang pumukaw ng atensyon ko na nakapatong lamang sa kama.
Binuklat ko ang unang pahina nito at mukhang diary ito ni Ervin, ang panget ng handwriting niya pero kung gusto ko talaga siyang intindihin ay dapat mabasa ko ito.
Dear Diary,
Dumating na naman ang pasukan kung saan makikita ko na naman ang aking mga kaklase. Mahirap para sakin na Makita ang kuya ko na naghihirap sa isang mental hospital at ako naman ay nakikipagsaya sa iba. Na-e-enjoy nga ba ako diary?
Hindi naman ako naiintindihan ng lahat, magkakasama lang naman kaming royal class sa sarap pero sa hirap... Mga nawawala na sila, mga Peke!
Diary, ngayon ko lang nalaman na sobrang sasama talaga ng ugali nila. Kanina kasi ay inutusan ako ni Ivy na bumili ng pagkain para sa gagawin namin group study.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.