Chapter 4 " The Bar" (Edited)

27.6K 766 158
                                    

[[[ POV Rain ]]]

Pagkapasok ko sa school ay mas marami ang bulungan na aking naririnig keysa sa mga normal na araw. Kahit kami hindi pa din kami nakakarecover sa mga nangyari eh, hindi nga ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano ang nangyari kay Mary eh.

"Rain totoo ba yung nangyari kay Mary?" Tumatakbong sabi sakin ni Ervin, mukhang ngayon lamang nakarating sa kanya ang balita. Hindi ko naman siya sinagot sa kanyang tanong bagkus ay yumuko na lang ako. Hindi ko din naman kasi ineexpect na mamamatayan kami ng isang kasamahan eh, ang masama pa... Isa samin ang pumatay.

"Rain! Sumagot ka!" Sigaw sakin ni Ervin at napalingon sa direksyon naming ang ibang estudyante.

"Totoo." Maikli kong sagot sa kanya na alam kong nakasakit talaga sa damdamin niya. Since bata kaming mga royalties except kay Jaypee ay magkakasama na kami. Last year lang naman namin naging kasamahan si Jaypee.

"Pero sino? Sino ang may gawa nun kay Mary?" Sabi sakin ni Mary at may namumuo na ding mga luha sa kanyang mga mata. Lahat naman kami pinipilit maging matapang sa sitwasyon naming eh.

"Ewan ko, wala din naman akong ideya kung sino ang gumawa nun kay Mary" Sabi ko sa kanya, Napansin kong marami ng tao ang nakatingin sa eksena na ginagawa naming kaya naman hinatak ko na si Ervin patungo sa classroom namin.

Pero nung kami'y malapit na sa classroom namin ay may natatanaw kaming mga mga Police na nakapaligid dito. Ganyan naman ang role ng mga pulis sa bawat storya eh! Dadating lang kung kelan tapos na, at patay na.

"Ano ba! Papasukin niyo nga kami! Room naming yan eh!" Malayo pa lang kami ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Samuel.

"Sir, under investigation pa din po ang lugar na to kaya bawal pa po kayo dito hangga't hindi pa nalilinis at naiimbestigihan ang nangyari sa krimen. Kung gusto niyo pong magka-lead tayo kung sino ang gumawa ng krimen, sumunod na lang po kayo.

"Eh san niyo kami gusting pumunta ngayon!?! Alam niyo ba na kaya ko kayong ipatanggal sa trabaho? Kahit ngayon pa!" Sigaw muli ni Samuel.

"Samuel ano ba!?! Ginagawa mo namang big deal ang maliit na bagay! Gumagawa ka lang ng gulo eh, manahimik ka na lang diyan sa isang tabi at ipaubaya sa mga pulis ang mga mangyayari" Sigaw ni Ivy sa kanya, sa pagsigaw ni Ivy kay Samuel ay sakto naman ang pagdating ng Principal namin.

"Royal students! Lumapit kayong lahat dito!" Sabi samin ng Principal at para naman kaming langgam na nagtipon- tipon sa tabi ng Principal.

"Mom! Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa ng mga pulis sa rom namin?"

"Charly stop your childish attitude! Mababalik din sa inyo yang classroom niyo pagkatapos nila itong imbistigahan. Sa ngayon ay sumama muna kayong lahat sakin sa office at hihingan daw kayo nang statement ng mga Prosecutor.

"But Mom----"

"Charly umayos ka nga!" Sigaw sa kanya ng kanyang mommy, wala naman kaming nagawa lahat kundi sundin ang Principal. Dito ngayon sa pagkuwa samin ng statement, malalaman ang saloobin ng bawat isa para magkaron ng lead kung sino ang maaring killer.

***

"Good morning po" Magalang na bati ni Ivy pagpasok naming sa office.

"Good morning royal rich kids" Bati samin ng Prosecutor nakangisi ito at para bang inaasar kami.

"Tatanungin ko lang kayo ng ilang katanungan, have a seat please" Sabi niya sabay turo sa mahabang couch na nasa tapat niya. Dahil nga dalawampu't apat kami ay hindi kami nagkasya sa couch ay kaming mga lalaki ay tumayo na lamang sa likod ng couch at mga babae ang umupo.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon