[[[ 3rd Person's POV ]]]
"After ng pagkamatay ni David ay agad kami tumakbo palabas, si Charly ang may pasan sakin... Hinang hina ako ng mga oras na yun and my body already want to quit pero sa tuwing nakikita ko si Charly kung gaano siya nag aalala sakin, ginusto ko na ring mabuhay. Hindi para sakin kundi para sa kaibigan... nang makarating kami sa seashore ay may bangkang naghihintay samin" kwento ni Samuel
Ang mga tao naman sa kanyang harapan ay naghihintay sa kanyang sunod na sadabihin at seryosong nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Samuel
"Natatakot ako sa mga sunod na mangyayari pero mabuti na lamang ay sanay si Charly at Lyza sa pag first aid kaya naman napabagal ang dugong lumalabas saking katawan at masaya ko na nakaalis ako sa lugar na iyon..... Nang Buhay" Kwento pa nito at sunod sunod na flash ng camera ang nangyari
"Maraming salamat sa pagbabahagi ng kwento niyo Mr. Samuel" sabi ng isang reporter at kinamayan siya
matamis naman na ngiti ang ibinibigay niya sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon
Lumabas siya sa loob ng restaurant kung san naganap ang interview.
***
Walong taon na ang nakakalipas mula ng nakaalis sila sa islang iyon. Hanggang ngayon ay binabangungot parin siya ng nakaraan, malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari na pagkawala ng kanyang mga kaibigan
Habang nagdadrive siya ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone, dali dali niya itong kinuwa at sinagot ang tawag
[ Hello Samuel, bibisita ka ba sa kanila ngayon? ]
kilala niya ang boses na iyon, ito lang naman ang kaisa isahang katropa niya na nabuhay sa laro..... si Charly
"Oo eh kayo ba ni Lyza bibisita?" tanong naman ni Samuel
[ Sira! hindi daw makakapunta sa Lyza, alam mo naman... magiging nanay na ]
Natawa naman si Samuel sa narinig dahil hindi niya akalain na mabilis na magkakaanak si Lyza
"Bitter alert! Bitter alert!" natatawa niyang sabi habang huminto dahil nag red light ang stop lights
[ Gago! nasa sementeryo na ko bilisa. mo ah ]
pinatay na ni Samuel ang cellphone niya
***
[[[ POV Samuel ]]]
Kung ano ang nangyari kay Lyza at Charly?..... Naging sila! pero ang happy ending lang talaga nila ay ang makaalis sa demonyong lugar na iyon
Nung simula ng kanilang relasyon ang naging sweet sila sa isa't isa, as in sobrang sweet pero a months and year later parati na silang nag away so decided na ilet go nila ang kanilang mga sarili
Hindi naman naging masama ang desisyon na yun dahil magkaibigan padin sila, Lyza was 1 year happily married na and nitong nakaraan lang ay nalaman namin na she's pregnant. Masaya naman si Lyza kasama ang husband niya
Si Charly? He's now a successful business man, he is starting to make name in business world not just here in our country but in whole world
Nung nag green light na ang stop light ay umandar na ulit ako. medyo nagmamadali din kasi ako dahil after kong bumisita sa mga kaibigan ko ay may book signing akong pupuntahan
This past 8 years ay maraming nangyari, ginugol ko lahat ng oras at panahon ko sa pagsusulat
Nakapaglathala na ko ng dalawang libro na naging best seller which entitled, Death Game: Battle for Lives and Death Game: Don't Fall Asleep... Nag interview pa ko para malaman ang karanasan ng ibang tao. Buti na lamang ay approachable ang mga survivors ng Death Game.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.