Chapter 37 "Elevator" (Edited)

13.3K 516 117
                                    

[[[3rd Person's POV]]]

"Guys, gusto kong ipaalam sa inyo na meron diyan sa loob ng elevator na isang baril" umugong na boses sa elevator. Mukhang boses ito ni Rena, napakalakas talagang manakot ni Rena at nang killer.

Agad naman nakita ni David ang baril at dali daling dinampot ito

"Ang baril na yan ay may iisang bala lang, para sa isang killer ang isang bala na yan kaya naman galingan niyo. One wrong answer then say good bye to your HOPES" sabi ni Rena sa kanila.

"By the way... ang gusto kong manghula is........... CHARLY" napalingon silang lahat kay Charly at bakas sa mukha ni Charly ang pagkagulat.

"Ako? A-ayoko!" Malakas niyang sigaw

"Charly Fajardo, Nasa kamay mo ngayon ang kaligtasan niyong lahat" Sabi ni Rena at lahat at napatingin Kay Charly na para bang umaasa silang lahat dito

Umiling iling si Charly na para bang sinasabi na Hindi niya kaya ang bagay na gustong ipagawa sa kanya ni Rena

"Kaya mo yan" Sabi sa kanya ng kanyang mga kasamahan

Isang baril, isang bala, siyam na buhay at isa ang dapat mawala... isang maling kilos ay ikapapahamak nilang lahat... kanino dapat iputok ang nag iisang bala ng baril?

Nabalot ng katahimikan ang buong elevator at para bang nagpapakiramdaman sila sa mga mangyayari

"Tang na! hindi pa nga ako nakakarecover sa ginawa ni Pain tapos meron na naman? wala na ba kong pahinga?" sabi ni Abby ng mahina

Nagulat ang lahat ng biglang mamatay ang ilaw sa loob ng elevator... napakatulin ng mga pangyayari

"PAKIRAMDAMAN NYO ANG ISA'T ISA!! DON'T LET YOUR GUARD DOWN!" Sigaw ni David sa loob ng elevator.

"Unang clue. Ginagawa ng killer ito para maghiganti and meron siyang baliw na kapatid" Sabi ni Rena

"Kyaaaah!!" nakarinig sila ng malakas na sigaw at malalapot na dugo ang tumalsik sa kanila... Madilim kaya naman hindi nila makita kung ano ang mga nangyayari, Pero sa bawat hiyaw na kanilang naririnig ay mas lalo silang nakakaramdam ng takot at kaba.

Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa kanila ang walang buhay na katawan. Hindi nila inakala na siya na ang susunod.

"A-Abby?!?" Napasigaw ang lahat at ang mga babae naman ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha na pinipigilan nila simula pa lamang.

Nagulat na lang silang lahat ng makita nila ang mga dugong tumalsik sa kanilang mga katawan.

Nakahandusay sa sahig ang walang buhay na si Abby, may saksak na dalawang kutilyo sa kaniyang ulo at mabilis na umaagos ang dugo na nagmumula dito. In just a split of seconds ay mabilis na nakagawa ng pagpatay ang killer sa brutal na paraan.

"PLEASE PAALISIN MO NA KAMI!! PAALISIN MO NA KAMI DITO!" malakas na sigaw ni Judy. Lahat silang nasa elevator ay malakas na kinakalampag ang bawat sulok ng elevator.

"Re-Revenge? sino to!! bakit niya tayo gustong patayin?? anong kasalanan natin sa kanya!" sigaw ni Charly

"Charly Fajardo, may hula ka na ba?"

tinutok ni Charly ang baril sa kanyang mga kasamahan at inisip mabuti kung sino ang taong may gawa ng pagpatay.

sino naman sa kanila ang maghihiganti, wala siyang makitang tao na pwedeng barilin. he must stay calm para makapag isip siya ng maayos... kung pagdudugto dugtungin niya ang bawat clue na ibibigay ni Rena ay maaring mahulaan niya ang killer.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon