[[[ 3rd Person's POV ]]]
Nasa sariling room ni Rain siya. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil iniisip nya lahat ng nangyari sa kanya, sana nga kapag pumikit siya ay pagkagising niya ay para siyang nagising sa napakalalim na bangungot.
Sumasagi sa isip niya ang mga taong pinaghihinalaan niya pero siyempre agad niya itong kinakalimutan, ayaw niya kasi na magbintang lalo na't wala pa siyang ebidensyang panlaban at magtuturo sa taong gumagawa ng pagpatay.
Nasa 2nd floor yung room niya sa hotel at sa ground floor ang Sala. Kaya naman dinig na dinig niya ang ingay na ginagawa ni Maggy dahil natatalo ito sa larong scrabble. Minsan ay napapangiti siya dahil dinig na dinig niya kung paano magreklamo ang bungangera niyang kaklase dahil natatalo ito.
Dahil sa sobrang pagod na rin niya ay tuluyan ng nakatulog si Rain
***
"Tumabi kayo!! dadaan kami!" Malakas nasigaw ni Judy habang naglalakad sa hall at napukaw naman nito ang atensyon ng mga estudyante sa BloodWood Academy o B.W.A. Dahil naein sa takot sa kanila ng ibang estudyante ay mabilis silang gumilid at umalis sa dadaanan ng mga royal students. Bawat hakbang na ginagawa ng royal students ay kasabay nito ang paghawi ng kanilang dadaanan.
"Judy, umiral na naman yang pagkamaldita mo" Saway ni Ivy kay Judy, 'yan ang dahilan kug bakit kinatatakutan at kinakaayawan sila ng maraming tao eh. Because of their evil traits at pagiging fake. Para kasi sa mga Royal students ay hindi nila kalevel ang mga normal na estudyante, mas angat sila.
"Hey! ano ka ba, we deserve this treatment" Nakangiting sabi ni Judy habang palabas sila sa School gate ng B.W.A.
Kumpleto silang Royal class, sasakay sila ng inarkila na bus dahil pupunta sila sa Theme park na pagmamay-ari nila Geoff. Kakatapos lang kasi ng kanilang midterms kaya naman tapos na ang hell week sa kanila at oras na naman para magpakasaya.
"Hay!! ang sakit ng ulo ko!" malakas na sigaw ni Charly,ang last test kasi nila ay math at dalawang oras silang nagsolve para lang sa 100 questions
"Huuu kunwari ka pa eh nangongopya ka lang" pang-aasar ni Samuel kay Charl, hindi naman talaga nagsolve si Charly. Gumawa sila ng sariling sign language na magbabarkada para makapagpasahan sila ng mga sagot at para maging madali ang test para sa kanila.
Habang nasa labas sila ay nakatingin sila sa Mental Hospital na katapat ng school nila. Nagtataka nga sila kung bakit sa tapat ng school pa itinayo yung mental hospital na yun.
"Pininturahan ba ng bago yung Mental? Bakit nag iba ata hitsura" Pagtatakang tanong ni Rose. Kasi nung nakaraan siyang tumingin dito ay light green ang kulay nito at ngayon naman ay naging light pink ito.
"ah! oo kapapalit lang niyan kahapon. Amoy na amoy mo pa yung pintura oh" sabi naman ni David kay Rose.
"Ayiiie si David alam na alam, siguro diyan ka nakatira noh?" biro naman ni Maggy kay David.
"Monggoloid! Nakita ko lang kahapon bago ko umuwi, baka naman Maggy pinapapasok ka na sa loob ng Mental ng parents mo feeling ko kasi kailangan mo mag-undergo sa treatment eh?" ganti naman ni David sa kanya.
Napatigil silang lahat ng makita na isang baliw na inilalabas papunta sa isang van. Ayaw naman sumama nung baliw.
"Ano ba! Bitawan 'nyo ko! Bitawan 'nyo ko! hindi nga sabi ako baliw eh!!! nanduon lang sila Andrew sa pagdadalhan nyo sakin!!" Malakas na sigaw ng baliw
"Sino yan? Parang ngayon ko lang siya nakita sa Mental?" nagtatakang tanong ni Andy, she usually observe kasi kung sino yung mga bagong pasok sa mental.Ikinukumpara niya nga yung mga baliw kay Maggy eh, hindi naman nagkakalayo.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.