[[[ 3rd Person's POV ]]]
Nagsialisan na ang iba sa loob ng kwarto kung saan nangyari ang krimen. Ang naiwan na lamang ay si Lyza, Rose, at Judy.
"Lyza tara na, gabi na. Magpahinga ka na, kanina ka pa umiiyak d'yan" Nag-aalalang sabi ni Rose kay Lyza at hinahagod pa nito ang likod ni Lyza.
"Ayoko! ayokong iwanan ang kapatid ko dito" Umiiyak na sabi ni Lyza at niyakap ang putol putol na parte ng katawan ng kanyang kapatid. Puro dugo na ang suot niya pero wala siyang pakielam. Hindi mapapalitan ng mamahaling damit niya ang buhay ng kapatid niya.
"Too much drama" Maikling sabi ni Judy then she rolled her eyes. Naging okay na si Judy ng napakalma na ito ng mga kasamahan niya, bumalik na ulit siya sa dati na maldita queen ang peg.
"JUDY!!!" malakas na saway ni Rose.
"Magiging okay lang ang lahat Lyza" sabi ni Rose at muling hinimas ang likod ni Lyza.
"Magiging okay? Nagpapatawa ka ba? Wala na ang kapatid ko! Wala na ang kapatid ko!" Sigaw ni Lyza at dumaloy na naman muli ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Mabibigyan din natin ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid mo" Sabi ni Rose itinuro ni Rose ang dibdib ni Lyza.
"D'yan. D'yan sa lugar na yan, laging may lugar ang kapatid mo. Isipin mo lang na kasama mo pa s'ya so that may pag-asa ka pa. May dahilan pa para lumaban ka para sa kapatid mo, maging malakas ka Lyza. Hindi gugustuhin ng kapatid mo na makita kang ganyan. Be strong and help yourself to get rid of this problem" Sabi ni Rose at binigyan ng pilit na ngiti si Lyza, Kahit kasi siya ay naiiyak sa sinapit ni Liza at kapag nakikita niyang nahihirapan si Lyza.
"tama ka, hindi dapat akong paghinaan ng loob. Makakalabas ako ng buhay sa larong 'to, makakalabas ako kasama ang mga ala-ala ng kapatid ko" Sabi ni Lyza at hinalikan ang noo ng pugot na ulo ng kanyang kapatid.
"Oh drama! Gabi na, please tapusin nyo naman. Bitinin niyo muna ko" Judy rolled her eyes again.
"tara na?" nakangiti ulit na sabi ni Rose habang inaalok niya ang kanyang kamay kay Lyza. Nakangiti rin naman itong kinuwa ni Lyza. Pero bago sila umalis ay tinakpan nila ng puting tela ang bangkay ng kapatid ni Lyza.
"Sa wakas natapos naaa! to be continue bukas ah, gusto ko bukas ng umaga pagkagising ko nag-iiyakan na ulit kayong dalawa" Sabi ni Judy and she rolled her eyes again, nangiti naman si Lyza at Rose sa inasta ni Judy. Malungkot nga siguro kung wala ang Maldita queen ng klase nila
***
"Shit! Iniisa-isa na tayo! sino ba ang gumagawa nito" Sabi ni Will at sinabunutan niya ang kanyang sarili. Nasa kwarto sila ni Rain ni Xander. Itinuturing ni Will na parang kapatid si Xander at Rain kaya naman sila ang pinakamahalagang tao para sa kanya sa larong 'yon.
"in just a week marami na agad ang nawala satin" sabi naman ni Rain.
"Then tayo ang tumapos ng laro." Nakangiti namang sabi ni Xander sa mga kasamahan, mukhang naguluhan naman si Will at Rain sa sinabi ni Xander.
"What do you mean?" Tanong ni Rain.
"Diba sabi makakalabas tayo dito kung mapapatay natin kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito?" sabi ni Xander. Tama si Xander, makakaalis lang sila doon sa lugar na iyon kung mapapatay nila ang killer.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.