Chapter 29 "Confirmation" (Edited)

14.7K 554 54
                                    

POV Rain

Nandito pa rin kami sa Lobby and naglalaro kami nila Edrick ng Snake and Ladder.

Ganun siguro talaga kapag bored na bored na bored ka na noh? Pati larong pambata papatulan mo na. Kahit papano naman ay nage-enjoy ako dahil naaalala ko ang pagkabata ko.

"Tang ina! Nandadaya yata 'tong si Charly eh, bakit hindi matuklaw tuklaw ng ahas!?" Malakas na sigaw ni Edrick. Pa'no kasi nung nag-move na siya sakto dun sa may mahabang ahas kaya back to start na naman siya, si Charly naman patapos na.

"Haha Binayaran ko 'yang mga ahas na 'yan"

"Ang gara ano? Habang tumataas ka ay mas madaming ahas ang hahatak sayo pababa" makabuluhang sabi ko sa kanila habang nakatingin sa board.

"They will brag you down para lang hindi ka makarating sa patutunguhan mo" Dugtong naman ni Charly.

"Kapag napabagsak ka naman nila then bumangon ka ulit para magpatuloy. Nandyan parin ang mga ahas" Sabi naman ni Edrick.

Nagkatinginan kaming tatlo then we burst out laughing. Grabe ang mga paghugot ng quotes.

"Pero 'diba dapat kahit anong brag sayo ng mga ahas pababa ay dapat magpatuloy ka lang? If gusto mong makarating sa goal mo, kahit ilang ahas pa yan... You'll just continue sa paglaban and dadating din ang turn mo na maabot mo ang goal mo" Sabi naman ni Jaypee na nakaupo sa Sofa at nanunuod samin.

"Ano ba 'yan! Usapang ahas na! Tang ina, 'yan ba epekto ng snake and ladder sa'tin?" Sabi ni Charly and tumawa na naman kaming muli.

"Hey guys ano gusto niyong Dinner natin?" Biglang sabi ni David na kadadating lang

"Parang nagke-crave ako ngayon sa sinigang na hipon" Biglang pumasok sa isip ko, it's been a long time kasi nung last time ko yung natikman and promise! The best ang sinigang ng Chef David namin!

"Yeah I Agree"

"Yun na lang David!"

"Sure, Jaypee gusto mong tumulong sa aking magluto? Kesa wala ka d'yan ginagawa eh tulungan mo na lang ako" Sabi niya

"Si Jaypee? Hindi sanay magluto 'yan! Kumain lang alam n'yan" Sabat ko.

"Pakyu! David tutulong ako! Papakitaan ko lang 'tong Rain na 'to!" Sabi niya then sumunod siya kay David papunta sa kitchen.

Naglalaro lang kami ng biglang dumating si Samuel sa Lobby.

"Hey tapos ka na bang mag-unwind?" Tanong ni Edrick, nakakasawa din asarin si Samuel kasi imbes na maasar siya eh kami pa ang naasar sa kanya.

"Oh bakit parang sa hitsura mong 'yan eh pasan-pasan mo ang mundo" Sabi ko sa kanya. He tried to smile pero alam niyo yung pilit?

"Problem bro? Spill it. We will lend our ears to listen in your problem" Sabi naman ni Charly

"Grabe naman kayo sa'kin, Kilala n'yo talaga ko noh. I have a weird dream lang kanina and it's pretty scary" Sabi niya samin at lumapit na siya.

"Ahh akala ko pa naman kung ano na! Nag-alala pa naman kami" Sabi ko sa kanila.

Nagsawa din naman kami sa paglalaro ng snake and ladders kaya naman pumunta kami sa dining area para doon hintayin ang ihahandang pagkain ni David.

"Gutooom na ko!" Malakas na sigaw ni Charly at isinubsob ang kanyang mukha sa lamesa

Habang tumatagal at dumadami na kami dito sa Dining area, Meron akong isang bagay na napansin.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon