[[[3rd Person's POV]]]
Nanatili lang si Rain sa loob ng kwarto niya. Nakadukdok ang kanyang ulo sa study table at pinipikit ang kanyang mga mata ngunit sa bawat pagpikit nya ay mukha ni Trick ang nakikita nya, mukha ni Geoff, at mukha ni Mary. nasaksihan niya ang pagkamatay ng tatlo niyang kasamahan ngunit iniisip nya na mahina siya dahil wala siyang nagawa para tulungan at iligtas sila.
"Rain, si Lorraine to, labas ka muna Dinner na tayo" kumakatok naman na sabi ni Lorraine sa labas ng kwarto ni Rain. Isa sa malapit na kaibigan ni Lorraine si Rain, parang bunsong kapatid ang tingin nya dito kaya naman todo na lang ang pag aalala nito... si Rain din ang nakakaalam ng maraming sikreto ni Lorraine sa buhay
"Lalabas na!" sigaw ni Rain at at nagsuot ng itim na jacket bago lumabas, medyo malamig na kasi sa loob ng Hotel.
***
Pagkapasok nilang dalawa sa Restaurant ay napakatahimik, kung ano ang nakita nilang mukha nung nawala si Trick at Ivy, ganun pa rin ang Expression nila. Merong ilan na may pilit na ngiti sa labi at kinikimkim ang lungkot na nadarama.
"Rain, ayos ka lang ba? Gusto mong ikuwa kitang pagkain?" Tanong ni Lorraine sa kanya.
"Ah wag na Lorraine ako na lang ang kuku---------"
"Nakakalurkey na talaga ITECH!!!" Malakas na sigaw ni Abby, galing kasi siyang kusina at naasar na naman siya sa nakita nyang ulam.
"Hoy Abby, umayos ka nga ng pananalita. Baka ipulupot ko sayo yang dila mo." Mataray na sabi ni Judy dahil sa ginawang ingay ni Abby parang bumabalik na sa normal ang lahat, kahit pilit lang at parang scripted.
"Hello maldita queen! tignan mo kasi ang ulam dito sa kitchen. Anong mapapala mo sa mga pang-poor na Foods na to? Hello Itlog, Tuyo, Sardinas! Hello! Wala kang makikitang ganyan sa bahay namin" sabi ni Abby sa kanyang mga kasamahan. totoo naman, walang pangmahirap na food kanila Abby kaya naman lumobo ang katawan niya at naging chubby.
"Ang aarte nyo naman, may choice naman kayo eh. It's either kakain kayo o gugutumin niyo ang mga sarili niyo." sabi ni Will at pumasok ng kitchen para kumuwa ng ulam at kanin. agsisimula na naman siyang mabadtrip dahil sa maaarte niyang kaklase.
"Rain kumakain ka ba n'on?" Tanong ni Lorraine kay Rain. Minsan naiinis din si Rain kay Lorraine dahil masyado na syang nagiging protective sa kanya. 'Bawal uminom sa mga parties' 'bawal dito' bawal doon' ganyan ang laging sinasabi ni Lorraine sa kanya kaya minsan iniisip ni Rain na tinatanggalan siya nito ng karapatan.
"ah. Oo naman Lorraine, nasubukan ko ng kumain n'yan nung nagCamping kami nila dad" Sabi ni Rain. Dahil nga sa sobrang bait sa kanya ni Lorraine, hindi niya ito magawang sitahin at sigawan dahil natatakot nga siyang masaktan ang dalaga.
Sumandok sila ng kanin at kumuwa ng tuyo at itlog.
Habang nasa malaking round table sila, lahat sila nakatingin lang sa pagkain except kay Will.
"Oh ayaw niyo pangkainin 'yan?" Tanong ni Will sabay subo ng kanin sa kanyang bibig nya. nakakamay lang siyang kumakain. Sa sitwasyon nila ngayon ay hindi niya na kailangan makipagplastikan sa mga kasamahan niya at inilalabas niya na kung sino ang totoong Will.
"P-pano ba to kinakain?" nahihiyang sabi ni Rose. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakakita ng ganoong pagkain. Hindi naman sa maselan siya sa pagkain, sadyang bago lang ito sa kanyang paningin kaya hindi niya pa alam ang lasa at kung paano ito kainin.
"Panoorin nyo ko ah dapat kasi magkamay kayong kumain. Bitawan nyo ang fork and spoon nyo, mas masarap yan if you will use your bare hands" Sabi ni Will at tinignan ang mga kasamahan. Siguro ay dala na rin ng gutom ng mga kasamahan niya ay sumunod na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.