[[[ POV Rain ]]]
Hind! Hindi 'to totoo! Tang ina kagabi lang magkausap pa kami eh, nakakwentuhan ko pa siya eh! tapos ano tong nakikita ko?
"Dapat pinigilan ko s'yang umalis ng kwarto ko, dapat pala pinag-sleep over ko siya eh " Sabi ko at malakas na sinuntok ang pader, kasabay nito ang pag-agos ng luha na nanggagaling sa aking mata. Isang malapit na kaibigan ko na naman ang nawala.
"Rain ikalma mo 'yang sarili" Sabi sakin ni Abby.
"Ikalma? Gaguhan ba 'to? Nawalan ako ng kaibigan na kapatid ang turing ko tapos kalma lang ako?" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses dahil sa sakit talaga na aking nararamdaman.
"Alam kong nasasaktan ka pre, pero mali naman ata na ibaling mo samin ang galit mo" Sabi sakin ni Ervin at inilayo niya sakin si Abby na mukhang nasaktan sa aking sinabi.
"Mukhang bandang hatinggabi ginawa ang krimen dahil medyo malamig na ang bangkay at patuyo na rin ang mga dugo " Sabi samin ni David.
"Akala ko kapag nababawasan tayo ay mas madali ng hulaan ang killer, pero mali ako tang ina! Mas lalo lang humihirap dahil puro pinagkakatiwalaang tao ko ang nandito pa ngayon" Sabi ni Charly.
"So bumaba na pala tayo sa sampu, well. Hindi na ko magtataka kung walang mabuhay satin" sabi naman ni Judy.
Awing-awa ako kay Will! Hindi niya deserve na humiga sa sahig na puro sugat at nababalutan ng dugo ang buong katawan.
"Its my fault. Wala akong nagawa para sa kanya" Mahinang bulong ko sa aking sarili.
"wala kang kasalanan" sabi sakin ni Lyza at akmang hahawakan niya ako.
"Don't lay your dirty hand on me" Sabi ko at malakas na tinabing ang kanyang kamay, naalala ko kasi na nagawa niya nga palang patayin ang kanyang kakambal.
Siguro ganun talaga noh? Hindi ko na iniisip ang mga mabubuting bagay at pag-i-intindi sakin ng iba. Nababalot ng galit ang puso't isipan ko. Gusto kong ikalma ang sarili ko pero wala akong magawa.
"Siguro ikaw ang may gawa nit okay Will noh? Napa---"
Naramdaman ko na lang na naglanding sa mukha ko ang kamay ni Judy, isang malakas na sampal ang ibinigay niya sakin.
"Manahimik ka nga! Tanggapin mo na wala na ang isa sa matalik mong kaibigan. Kami rin naman nawalan ah? Rain ano ba! Six letters, two words.. Move On!" Sabi ni Judy sakin.
Napayakap na lang ako sa kanya at doon umiyak. Ayokong nagmumukhang mahina sa harap ng ibang tao pero, I just can't handle the pain anymore.
Ngayon kailangan ko si Judy, please this is gonna be the last time na iiyak ako sa kanya
Niyakap niya rin ako at hinayaan na umiyak sa kanya.
"Wag mo laging ipakita na malakas ka, Crying doesn't mean your too weak to cry on other shoulder, your every tears is a sign that your brave enough. Dadating talaga sa point na babagsak talaga ang mga luha natin" Bulong niya sakin habang hinahagod ang likod ko.
Magkababata kaming dalawa. I know her weakness and she also know mine. Noong mga bata pa kami ay kaming dalawa lagi ang magkasangga sa kahit anong mga problema.
"Guys look at this" Narinig kong sabi ni Jaypee. Hindi ko parin inaalis ang pagkakayakap kay Judy. Kapag wala ng luha na papatak, tsaka na ako bibitaw.
"Aeron Clifford? Siya na naman?" Narinig kong sabi ni David samin.
Naalala ko bigla ang sinabi sakin ni Will. May possibility pa nga kaya na buhay pa si Aeron, naghihiganti nga kaya sya samin?
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.