Chapter 38 "Elevator" (Edited)

13.9K 537 209
                                    

3rd Person's POV

Dalawang bangkay na ang nakahandusay sa kanilang harapan. Lahat sila ay nahihirapan sa mga nangyayari, wala silang magawang walo kun'di magbintangan at magsisihan.

Pero lahat sila ay iisa lang ang gustong malaman, sino ang putang inang gumagawa ng pagpatay.

'Konting clue na lang na maglalapit sa kanya. Kailangan ko lang konti pang clue' sabi ni Charly sa kanyang isipan.

"Charly Fajardo, may hula ka na na?" Narinig muli nilang tinig ni Rena, even that they can't see her, they know that she' smiling like crazy and watch them suffer.

"W-wala pa" sabi niya at umiwas ng tingin sa mga kasamahan.

"T-tang ina naman Charly! Buhay ko ang nakataya! Umayos ka naman!" Malakas na sigaw ni Jaypee sa kanila.

"Just fucking shut up. Isang pagkakamali ko, paniguradong dadanak ang napakaraming dugo dito sa elevator. Hayaan niyo akong pag-isipan 'to"

"Pag-isipan? Wala ng oras gago! Parang kanina lang para kang baliw na itinututok samin ang baril. Tapos ngayon ano? May ganyan ka pang nalalaman!" Sigaw ni Edrick.

"Tang na naman Charly baka hindi ka nainform na isa-isa tayong mamamatay kapag hindi mo binilisan, Wag pasarap usong gamitin 'to" sarkastikong sabi ni Judy while she's pointing her head na para bang sinasabi na gamitin nito ang utak niya.

"Ano bang ginagawa ko? Masama bang isipin ko ang kaligtasan ng lahat bago sumugal?" Sabi sa kanila ni Charly.

"Sa pagtatalo niyo ba namang lahat eh nagka-lead tayo kung sino ang killer" Tanong sa kanila ni David na nakapagpatahimik sa lahat.

"Ano wala kayong masagot? Daldal kayo ng daldal." Sabi ni David sa lahat.

Nagulat na namang muli sila ng biglang mamatay ang ilaw, Hudyat na naman ito na isa na naman sa kanila ang mawawala.

"Pangatlong clue: Celine gives you clue before she died"

Nagulat din ang lahat ng makarinig sila ng sunod-sunod na hampas.

"Tang ina tama na! Ahh!" Malakas na sigaw na kanilang naririnig. Malalapot na dugo muli ang tumama sa kanilang mga balat.

"A-ano yun? Tang ina kang mamamatay tao ka! Sino ka ba!?" Malakas na sigaw ni Judy at kasabay nito ang pagbukas ng ilaw sa elevator.

Nanlumo ang lahat ng makita nila si Jaypee.

Basag ang mukha nito at puro dugo ang umaagos sa kanyang mukha, Lumabas na din ang utak niya na kumikibot-kibot pa. May nakatusok na isang metal pipe sa kanyang katawan baon na baon ito.

"Shit! Shit! Sino ka ba? Bakit mo ba 'to ginagawa? Dahil ba may kasalanan kami? Sorry na please sorry na!" Humahagulgol na sa pag iyak si Lyza, inalalayan naman siya ni Edrick at Samuel. Desperada na kasi siyang matapos na lahat ng nangyayari ngayon sa kanila sa elevator.

"A-ang mga Ka-kaibigan ko. Tang ina ibalik niyo yung mga kaibigan ko!" Malakas na sigaw ni Rain at nilapitan ang bangkay ni Ervin at Jaypee at sabay itong niyakap.

Nakatayo lang si Charly habang isa-isang bumabagsak ang kanyang mga luha.

"Ano Charly? Tatayo ka na lang ba d'yan? Ano!? Feeling mo ba nasa isang 3D movies ka lang at pinapanuod mo lang ang mga nangyayari? Baka gusto mo ng popcorn nahiya naman ako sayong gago ka!" Malakas na sigaw ni Judy.

Nakatayo lang si Charly at malalim na nag iisip.

Iniisip niya ang huling ginawa ni Celine para bigyan sila ng malaking clue. Mula ng nakasama niya si Celine sa loob ng park hanggang sa malagutan na ito ng hininga... 'Ano nga ba ang bagay na ginawa ni Celine upang tulungan kami?'

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon