[[[ 3rd Person's POV ]]]
Nakaupo sila Rain sa loob ng restaurant. Nagtipon na kasi ang grupo nila Rain at grupo nila Judy na hindi naman naghanap. Hinihintay lamang nila sila Ivy para makapagpalitan na sila ng impormasyon tungkol sa kanilang mga nakita at napuntahan.
"Ang tagal naman nilang dumating" Reklamo ni Judy, kanina pa siya nagrereklamo pero kung tutuusin ay wala naman talaga siyang natulong dahil nagpakasaya lang sila. Puro pa siya daldal that time. Hindi naman siya masita ng kanyang mga kasamahan dahil nga kilala nila si Judy bilang isang Maldita na nagmana sa kanyang ama.
Makalipas ang ilang saglit ay dumating na si Abby at Cindy, ang ingay pa ng dalawa nung pumasok sila sa loob ng Restaurant.
"Oh my gosh! Kailangan ko ng FOOD! FOOD! Nagugutom na ko dahil nakakaloka ang mga chuvacheness churvalu na ginagawa nila duon" Sabi ni Abby at tinungo agad ang kusina. Ang galing ni Abby dahil hindi niya kabisado ang buong park pero kabisado niya ang daan papunta sa kusina. Matindi ang pang-amoy sa pagkain.
"Hangin nga! Napaka-init naman ngayon sa park na to! Hellooo Tag-ulan na kaya pero parang hindi damay itong park na to sa mga bagyo, grabe ang init!" Sigaw ni Cindy, tumuntong pa ito sa may lamesa para mahanginan lang ng ceiling fan. Ganyan si Cindy ng royal class, hindi uso sa kanya ang pagiging mahinhin at pabebe effects. Para kasi sa kanya na ang pagiging mahinhin ay sign ng hindi mo pagpapakita ng totoong ikaw , Plastik kung baga! Kaya naman as long na nabubuhay siya ang motto niya ay iisa lamang 'Di baling garalgal at balasubas kumilos, atleast alam ko sa sarili kong hindi ako plastic' iisang motto pero alam niya sa sarili niya na naipapakita niya at naisasabuhay ito.
"Cindy, asan sila Roger at Ivy" Sabay na tanong ng kambal na si Liza at Lyza, si Cindy at Abby lamang kasi ang nakita nilang pumasok sa loob ng restaurant.
"Iniwan na naming sila doon, Abe! Napakatagal nilang maghalughog dun. Nainitan na kasi ako doon at as usual nagutom si Abby kaya naman umalis na kami sa lugar na iyon" Sabi ni Cindy at mas lalong idinikit ang katawan niya sa ceiling fan.
"Cindy umayos ka nga, uso magpakababae teh" Sabi sa kanya ni Abby na kakalabas lang ng kitchen. Nakasimalmal siyang lumabas ng kusina at para bang iritadong-iritado siya.
"Oy Baboy bakit ganyan naman ang itsura mo?" Asar sa kanya ni Will dahil mukha talagang mukhang nalugi si Abby
"Grabe Will ah, magsisimula ka kagad ng war ah! Paano ba naman ako hindi magagalit eh tignan niyo ang ulam sa kusina" Maarteng sabi ni Abby, nacurious ang lahat kaya tumayo sila sa kanilang kinauupuan at nagtungo sa kusina.
Pagpasok nila sa kusina ay maraming nandiri sa pagkain na nakita nila
"A-ano yan?" Nandidiri na sabi ng kambal at nagtakip pa ng ilong.
"Dugo at bituka" Maikling sagot naman ni Will, pero mukhang mas lalo lamang nandiri ang kanyang mga kasamahan.
"Eew!" Sabay-sabay na sabi ng mga babae sa kanya.
"Grabe naman, napaka-aarte niyo" Sarkastikong sabi ni Will
"Sabi mo kasi it's a blood! Sinong hindi mandidiri doon?" Maarteng sabi ni Judy and rolled her eyes on Will.
Tumawa ng malakas si Will bago tinuloy ang kanyang pagsasalita.
"Ang O.A. niyo! Mga rich kids kasi kayo at mga hindi marunong lumabas ng kanya-kanya niyong mansyon. Eto ang tawag dito ay dugo ng baboy o mas kilala bilang Betamax, eto naman isaw... Bituka ng manok, eto tenga ng baboy. Hello mga rich kids, uso kasing bumaba ng langit at tumapak sa lupa" Sarkastikong sabi ni Will. Hindi kasi siya makapaniwala sa O.A. na reaction ng kanyang mga kasamahan. Madalas na makapunta si Will sa isawan dahil madalas siyang dinadala doon ng kanyang personal butler.

BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.