Chapter 20 "Together we Stand" (Edited)

16.9K 604 131
                                    

P.O.V. Andy

Nakakalungkot mawalan ng bestfriend, yung tipong wala ng nangungulit sayo araw araw? Wala na yung epalogs na manghahampas sakin, ang sakit lang! Pero nakakatawa din naman kasi ako eh! Akalain niyo yun, nagawa kong ilaglag ang bestfriend ko para lang sa kaligtasan 'KO'. Yeah, all the time sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko na kasi kaya yung feeling na pilit kong sinasabi na kaya naming makalabas dito ng magkasama pero habang tumatagal mas natatakot lang ako, napilitan akong manlaglag. Ang pinakamadaling ilaglag ay yung pinakakaclose ko, it's either Maggy or Abby.

"So Andy, anong plano mo ngayon? Ngayong alam mo na kung sino ang killer." tanong sakin ni Abby, andito kaming dalawa sa room ko, this time I'm gonna make sure na hindi na ko manlalaglag, isang sakripisyo para sa buhay ng lahat.

"May mga tao lang akong kailangan sa plano, Then after that I'm sure na mapapatay na natin ang killer." seryosong sabi ko sa kanya.

"So sino ang mga ipapatawag ko teh?"

"Rain, Will at Edrick." sabi ko sa kanya.

"So kasama sa plano mo ang killer?"

"Of course kasama! Siya kaya ang star of the night!"

"Teh, may tiwala ako sa plano mo so susunod lang ako." sabi ni Abby sakin halata pa nga sa mata niya na iniyakan niya pa ang bangkay ni Maggy. Binigyan ko lang sya ng tango.

First time kong maging ganitong kaseryoso, and aaminin ko napakaliit lang ng chance na gumana ang plano ko but kung makikipagcooperate silang lahat tataas ang chance! Eto na lang ang meron kami, ang trust sa isa't isa.

***

[[[P.O.V. Rain]]]

Nakaupo kami ni Charly sa may bench malapit sa mga horror booth.

"Hindi kapani-paniwala noh? Sa isang iglap, mawawala ang pinakamasayahing tao satin." sabi sakin ni Charly.

"Napaka mautak ng killer, kayang kaya niya tayong guluhin! Ang liit liit lang ng chance ng killer na mapatay tayo, pero nagagawa niya, masyado siyang bilib sa sarili niya na magagawa niya and yet nagagawa nya naman talaga!"

"Nakakatakot na, hindi mo alam kung hanggang kailan ka tatagal, habang tumatagal nakakapanghina eh, lalo na kapag nababawasan tayo and yet wala pa tayong idea kung sino ang gumagawa." sabi niya sakin, bigla naman nadaan samin si Abby na parang kanina pa may hinahanap, hulas na hulas sa pawis ang baboy.

"Tang ina ka Rain! Andyan ka lang pala, tawag ka ni Andy sa room niya." sabi niya sakin at lumapit sa vending machine para bumili.

"Bakit daw?"

"May huhulihin daw kayo." nakangiti niyang sinabi sakin, huhulihin?

"Oh Rain mukhang may aasikasuhin ka pa ah! Sige mauna na ko sayo repa!" sabi niya at nagtap pa sa likod ko.

"Rain tara na! Jusko! Ba't ba ang dadrama niyong mga lalaki kapag nag haheart to heart talk kayo!" sigaw sakin ni Abby at hinatak ako. Natangay naman ako, ikaw kaya hatakin ng babaeng bilbilin?

***

"WHAT! KILALA MO NA KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG PAGPATAY!" sigaw ni Will, kaya pala kami pinapunta dito dahil alam niya na kung sino ang gumagawa and Andy will use us.

"At yang plano mo na yan Andy, napakaliit ng chance na gumana yan! Alam mo bang isang maling kilos lang ay maari nating ikamatay lahat." sabi naman ni Edrick.

"Alam ko na yan! Syempre alam ko ang consequence ng gagawin nating pagkilos! But guys, teamwork lang ang kailangan ko."

"Bakit kami ang napili mong isama? Wala kaming alam. " sabi naman ni Will.

"Yun na nga eh mga wala kayong alam! Kaya kayo ang napili ko."

"Sino ba ang killer?" tanong ni Edrick, lumapit naman sa kanya si Andy at may binulong ito, nanlaki ang mata ni Edrick sa narinig niya.

"No Way! Sinong mag-eexpect na siya ang gagawa nun!" sabi ni Edrick na halata parin ang pagkashock.

Lumapit si Andy sa amin at may ibinulong na pangalan, at gaya ng expression ni Edrick ay ganun din ang aming naging reaction. SIYA!!! Bakit siya pa?? Pinagkakatiwalaan ko siya, never kong ineexpect na magagawa niya samin to!?! Isang malaking gaguhan!

"Hindi kayo makapaniwala? Ako man eh! Huhulihin lang natin siya guys, ako at kayong apat ang magtutulong tulungan para mawala na siya!" halos magmakaawa na si Andy para pagbigyan namin ang request niya. Napakahirap naman kasi! Isang napakalaking sugal ang gagawin namin! One wrong move, magsasama-sama kami sa kamatayan.

"Fine! tutulong ako" nasabi ko na lang, wala na kong pakielam kung 1% lang ang chance na mabuhay pa kami! At least gumawa kami ng shot para matapos na tong kademonyohan na to!

"Count me in!" sabi ni Edrick at nagbigay ng ngiti.

"May choice pa ba ko! Game gawin na natin." sabi ni Will.

"Okay, basta, iassure niyo lang na susunod kayo sa plano para walang maging problema at aberya. Huwag niyong sasabihin kahit kanino na alam na natin na siya ang killer, mamayang gabi natin gagawin ang plano. Let's stick with the plan." sabi samin ni Andy at binigyan naman namin siya ng tango. Pasimple kaming lumabas ng room. Gabi gagawin ang plano, so talagang mas risky siya dahil madilim. Kailangan lagi kang aware at bukas lagi ang iyong isipan.

"Oh Rain, kanina pa kita hinahanap." sabi ni Samuel sakin.

"May aasikasuhin pa ko sa room ko." sabi ko sa kanya at pumunta sa kwarto ko, nakita ko siyang nagkamot ng ulo na para bang nagtataka sa ikinilos ko. Pagpasok ko ng room ko ay agad kong kinuha ang isang bagay na laging nakatago sa ilalim ng unan ko.

"Baby, mukhang magkakasilbi kayo tonight." nasabi ko na lang ng makuha ko ang tatlong iba't ibang klase ng pocket knife ko.

***

[[[POV Will]]]

Shit gabi na at nagising na lang ako, hindi pa naman oras para gawin ang plano eh! Kaya lang talagang nauuhaw ako at nagkecrave ako ngayon sa milk. Bumangon ako at pumunta sa kusina, nagtitimpla ako ng milk napakatahimik! Meron akong nakaipit na isang kutsilyo sa likuran ko, mahirap na! Siyempre gabi na and dapat maging isang maingat sa mga nangyayari samin. Habang nagtitimpla ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa glass window sa labas at pagkasilip ko ay meron akong babaeng naaninag, wait si Rose yun ah!! Pagkatimpla ko ng gatas ay gumawa pa ko ng isa para sa kanya, baka hindi rin kasi siya makatulog kaya siya nasa labas. Lumabas ako at pumunta sa bench niya.

"Oh Rose hindi ka makatulog?" tanong ko sa kanya.

"Ah, tinitignan ko lang ang bituin, masyadong open space kasi dito sa park kaya kitang kita mo yung kagandahan ng bituin ngayon." sabi niya habang nakangiting nakatingin sa kalangitan. Hindi ako makatingala dahil hawak ko yung mga milk eh.

"Eh? gusto mong tignan? Amin na, hawakan ko muna yang hawak mo." sabi niya sakin at kinuha niya ang dalawang gatas na hawak ko. Matagal akong nakatingin sa kalangitan, first time kong magstar gazing sa gabi, maganda pala! Hanep!

"Oh eto na ang milk mo." sabi niya sakin at inabot ang gatas ko sabay naming ininom ang gatas. Halos saglitan lang sakin yung gatas ko dahil hindi na masyadong mainit.

"Rose ba't ganiyo? Bakit parang---ARGGGGH!! ANG SAKIT!!! ANG SAKIT!!!!" malakas na sigaw ko ng parang nagbubuhol buhol ang mga intestine ko sa tiyan ko, napakasakit!

Bago ako matumba ay nakita ko si Rose na nakangiti sakin, hindi ito normal na ngiti.

***

[[[POV Andy]]]

"Wala na! Sira na ang plano! Wala na si Will!" malakas na sigaw ko habang nandito kaming 4 sa may Inn.

"Alam niya na nandito tayo! Mamamatay na tayong apat!" sigaw ko sa kanila.

"Andy, wag kang panghinaan ng loob---"

"Wag panghinaan! wala na! Nalaglag na ang isa satin, wala na tayong pag-asa! Papatayin na rin tayo ni Rose!"


Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon